^

Pang Movies

Sen. Chiz, ‘ginisa’ sa senado...

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sen. Chiz, âginisaâ sa senado...

Tinukso si Senator Chiz Escudero ng kapwa niya senador nang dumalo siya sa sesyon nitong nakaraang mga araw ayon sa reports.

Eh galing sa ibang bansa ang senador kung saan nakasama niya ang asawang si Heart Evangelista.

Umugong ang bulungan na nagkaroon ng second chance ang mag-asawa, huh! Kumalat kasi ang balitang nagkalabuan sila pero walang kumpirmasyon mula sa dalawa.

Eh di wow! Sayang naman kung mapupunta sa kawalan ang kanilang kasal, huh!

Enrique, susundan na lang si Liza sa Amerika?!

Bumili ng bagong aso ang aktor na si Enrique Gil at hayun, trending agad siya sa Twitter!

Gigi ang name na ibinigay ni Enrique sa aso na kulay puti.

Wala sa bansa ang girlfriend niyang si Liza Soberano na gustong subukang magkaroon ng career sa Hollywood!

Eh wala munang trabaho ngayon si Enrique. Isang malapit sa kanya ang nagsabing hindi naman siya kinukuha ng GMA Network.

Kaya may bulungan na susundan na lang daw niya si Liza sa Amerika upang samahan sa mga lakad kahit walang trabaho!

Eh guwapo naman si Enrique kaya madali siyang makakakuha ng trabaho doon ‘pag nagkataon!

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with