^

Pang Movies

Whooaaa... James at Issa, HHWW sa mall!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Whooaaa... James at Issa, HHWW sa mall!         
James at Issa

Teka sisingit lang ako ng kapirasong tsismis. Nakita sa isang mall na namamasyal sina James Reid at Issa Pressman. HHWW pa, at may pagkakataon pang inakbayan ni James si Issa.

Pero mabilis na may nagsabi, namamasyal lang naman daw “as a friends.” 

Mga hubaran sa mga internet, bawal na?!

Tiklop din naman pala agad si Mang Kanor, matapos na makitang seryoso ang MTRCB na habulin sila dahil sa pagpapalabas ng kanilang pelikula nang walang permit at hindi isinumite para sa classification ng ahensiya. Sumulat na sila sa MTRCB na nakahanda silang makipagtulungan ngayon.

Nauna rito, pumirma na rin ng MOA ang Vivamax, ang mas nauna at may mas malaking following ng In­ternet streaming ng sex movies, na makikiisa na sila sa MTRCB. Narinig namin, pinutulan na nila ng ilang mahahalay na eksena ang kanilang mga pelikula, lalo na ang mga nagbubuyangyang ng kanilang ari.

Pero hindi dahil sa sinabi nilang makikipagtulungan sila, hindi na kailangang amyendahan ang PD 1986, kailangan pa rin iyon para tuwiran nang maisailalim sa classification ang lahat ng mga pelikulang malalaswa pati na ang mga ilalabas sa internet.

At saka papaano ang gumawa na ng violation? Patatawarin na lang? Dapat panagutan nila ang pagkakamali nila. Hindi kasi excuse iyong “hindi namin alam eh.” Maliwanag naman iyan, “ignorantia juris non excusant.” Ang hindi pagkakaalam ng batas ay hindi magiging katuwiran nino man. Kailangan multahan iyan, at mas mahusay kung dadalhin mo sa korte para magkaroon na ng court ruling upang malaman kung ano ba iyang public exbition of a motion picture?      

Ang haba ng kuwentuhan namin ni Direk Tony Reyes noong isang gabi. Pabor din siya na padaanin na sa korte ang mga ganyang violation sa batas. Malungkot na rin siya dahil “sa nangyayari sa ating industriya na puro na lang kabastusan.”

Naalala nga namin pareho ang naganap noon sa isang pelikula, ang Uhaw na Bulaklak 2, na nakalusot sa noon ay Board of Censors for Motion Pictures. Nailabas sa sinehan, pero napansin ng mga grupong relihiyoso, isinumbong sa dating first lady Imelda Marcos at mabilis na inaksiyunan.

Na-Crame lahat ng may kinalaman sa pelikulang iyon. Inimbestigahan sila. Nabawi ang permit to produce ng kumpanya ng pelikula, at banned forever ang pelikulang iyon.

Nabaliktad pati ang Board of Censors na pumayag na ipalabas iyon, at pumalit nga ang Interrim Board, na ang namumuno ay undersecretaries ng education and culture at defense, ayon sa RA 3060 na umiiral noon.

Pagkatapos noon, luminis ang mga pelikula. Nabuhay ang industriya na walang sex films.

Kung titingnan ninyo, ang malalaking hits na pelikula hindi naman iyong mga bomba eh. Ibig sabihin mas marami pa ring tao ang gustong manood ng mga disente at mahusay ang pagkakagawang mga pelikula.

Iyong record sa takilya ang magpapatunay niyan. Hindi pa rin mamboboso ang mga Pilipino.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with