^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn, parerentahan ang bahay sa Vegas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dennis at Jennylyn, parerentahan ang bahay sa Vegas

Sumunod na kina Jennylyn Mercado at anak nilang si Dylan sa Las Vegas si Dennis Trillo at sa kanyang IG story, nasa Las Vegas na siya. Sa larawan, kasama na niya ang kanyang asawa at anak.

Hindi kami sigurado kung tapos na ang taping ng aktor sa Maria Clara at Ibarra, dahil magtatapos na ito sa Feb. 17. This month na rin daw sisimulan ang taping nina Dennis at Bea Alonzo ng Love Before Sunrise, kaya ibang Dennis naman ang ating mapapanood.

Binisita raw nina Dennis at Jennylyn ang binili nilang bahay sa Las Vegas, pero mali ang inakala ng netizens na iiwan na ng mag-asawa ang Pilipinas at sa Amerika na maninirahan. Narito ang hanapbuhay nila, pareho pa silang in-demand, kaya paano nila iiwan ang bansa?

Magbabakasyon lang siguro ang Ho family at ang balita pa nga, pauupahan nila ang bahay nila sa Las Vegas habang wala sila roon. Investment ang habol nila sa pagbili ng bahay at kasama na rin na may titirahan sila kapag nasa Amerika sila.

Ryan, ‘di pa tanggap na kolehiyo na si Yohan

Ang ganda ng post ni Ryan Agoncillo patungkol sa eldest nila ni Judy Ann Santos na si Yohan Agoncillo na “My big baby off to take her grad pic! Aykennat!!!”

Magka-college na kasi si Yohan kaya nase-sepanx na si Ryan at ganu’n din siguro ang nararamdaman ni Juday.

‘Yun na nga, ang positive ng comment ni Ryan at positive rin ang comments ng followers niya. Dati raw kinakarga lang niya ito, ngayon, magka-college na at iba pang senti comments.

Kaso, may mga epal na tinanong kung ano ang nanyari sa braces ni Yohan? May iba pang comment na hindi kanais-nais, kaya tama ang ginawa nito to delete the posts. Sa halip na sagutin, dinelete niya ang comments kaya hindi na mabasa.

Tili at Dahlia, very masa ang expression

Mukhang pareho ng favorite expression ang mag-cuz’ (cousin) na sina Tili Bolzico na anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico at si Dahlia na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Parehong “E di wow” ang expression ng dalawang bagets, ang kaibahan lang, ang kay Tili, may kasamang “kalabaw” sa dulo.

Kay Dahlia namin unang narinig ang “E di wow” at ngayon, si Tili naman ang nagsasabi nito. May clips na pinost si Nico at malinaw at paulit-ulit niya itong sinabi na may kasamang tawa.

Sa caption ni Nico, nakasulat ang “Inspiration: Dahlia.” So, ginaya nga nito ang pinsan niya na dahil madalas silang magkasama at nag-uusap, nagaya ang favorite expression ni Dahlia. Tanong lang ng netizens, bakit cute ang pagkakasabi nila ng “E di wow  kalabaw?”

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with