^

Pang Movies

Maui at partner, tuloy ang pagsasama sa bahay kahit hiwalay na!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Maui at partner, tuloy ang pagsasama sa bahay kahit hiwalay na!             
Maui

Hiwalay na ang former Viva Hot Babe na si Maui Taylor sa kanyang longtime partner kung kanino meron siyang dalawang anak na lalake.

Paliwanag niya na co-parenting sila sa mga bata: “We’re co-parenting. We’re in one house pero I sleep in a different room. Matagal na siyang ganung setup. Walang pakialamanan.”

Pareho naman daw nag-agree sina Maui at ang ex-partner niya sa arrangement nila. Sinubukan naman daw nilang maayos ang relasyon nila, pero para kay Maui, hanggang doon na lang daw talaga.

“Alam namin sa sarili namin na hanggang doon na lang. Hanggang seven years na good run din, tapos ‘yung last three years wala na. Sigu­ro kapag nagiging stagnant ang isang relationship, walang growth. Trinay naman namin na maayos, pero siguro masyado nang malalim ‘yung cause ng problem kaya hindi na magawang ihakbang pa.”

Wala raw balak si Maui na pasukin ang bagong relasyon sa ngayon. Work daw muna ang haharapin niya.

“Kahit naman in a relationship ka, generally speaking, kapag gusto ka ng isang tao, may mag-e-express. Nasa iyo na lang ‘yun kung ano ang gagawin mo about it. I mean, hindi naman ako pangit. Pleasant naman ako na tao, so meron at meron times [na nagpaparamdam, it’s just that dedma ka lang. Gusto kong ma-enjoy ang maging single ulit.”

Mapapanood soon si Maui sa GMA teleserye na The Write One na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Tessie, binuhay si Meldita

Marami ang natuwa sa muling pagbuhay ni Tessie Tomas sa pinakasikat na character niya na si Meldita.

Pinost kamakailan ni Tessie sa kanyang YouTube channel na TessTube ang paghahanda niya bilang si Meldita. Mula buhok, makeup, damit at alahas ay muli niyang binalik ang pag-impersonate sa former First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Gumala sa Greenbelt, Makati si Meldita with matching bodyguards pa. Hindi siya agad nakilala dahil naka-face mask siya kaya akala ng mga taong nakakasalubong niya ay siya si Madame Imelda.

Nag-window shopping si Meldita sa mga mamahaling boutiques at noong magutom ay pumasok ito sa isang restaurant at namangha sa kanya ang staff ng resto at ang customers dahil akala nila na si Imelda Marcos ang pumasok.

Pero noong magtanggal ng kanyang face mask, nabuking na hindi siya ang totoong First Lady. Pero in character pa rin si Tessie bilang si Meldita habang nag-o-order ng pagkain.

Ang character na Meldita ang nagbigay kay Tessie ng titulo na First Lady of Philippine Television. Nanalo pa siya bilang Entertainer of the Year sa Aliw Awards noong 1987 dahil sa kanyang one-woman show na Meldita.

Bumalik nga ulit sa Pilipinas si Tessie para gumawa ng teleserye sa ABS-CBN na Dirty Linen.

Ashton Kutcher, nasanay maging ama sa 3 anak ni Demi Moore

Sa edad na 26 ay naging stepfather agad ang American actor na si Ashton Kutcher sa tatlong anak na babae ng ex-wife niyang si Demi Moore.

Kaya noong magkaroon daw sila ng anak ng misis niyang si Mila Kunis, marunong na raw siyang mag-alaga ng bata.

Binalikan nga ng 44-year-old actor ang masasa­yang experiences niya noong maging padrasto siya sa mga anak ni Demi kay Bruce Willis na sina Scout, Tallulah, and Rumer.

“”I was 26, bearing the responsibility of an 8-year-old, a 10-year-old, and a 12-year-old. That’s how some teen parents must experience their twenties. I love kids. I wouldn’t have gotten married to a woman that had three kids if I didn’t love kids. The idea of having another kid would have been incredible. For whatever reason, I had to have that experience,” sey ni Ashton.

vuukle comment

MAUI TAYLOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with