^

Pang Movies

Luis nagpapasaklolo sa NBI, mister ni Jessy idinadawit sa investment scam

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Luis nagpapasaklolo sa NBI, mister ni Jessy idinadawit sa investment scam
Luis

“Guys, kilala niyo ako, di ako mangiisa ng tao para sa pera,” shoutout ni Luis Manzano sa kanyang Facebook account noong isang gabi.

Marami namang nag-agree na pagdating sa pera, hindi manloloko ang TV host/actor na mister ni Jessy Mendiola.

In fact, marami agad ang nagpatotoo na si Luis pa nga ang tumutulong sa ilang lumalapit na nangangailangan.

Bukod pa sa Luis Manzano siya at kilalang malaki ang kinikita at ipinanganak na mayaman na.

May koneksyon ito sa pagkakadawit ng pangalan ni Luis sa iskandalo sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Nauna nang hiniling ni Luis na Luis Philippe “Lucky” Manzano sa totoong buhay sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang Flex Fuel Petroleum Corporation matapos siyang lapitan ng mga investor nito para humingi ng tulong sa pagbawi ng kanilang mga investment sa fuel company, na isa sa ilang kumpanyang kasalukuyang may utang din diumano kay Luis ng mahigit P66 million, ayon sa natanggap kong statement.

Sa isang liham na naka-address kay NBI Director Atty. Medardo De Lemos na may petsang Nob. 8, 2022, sa pamamagitan ng abogado ni Luis na si Atty. Regidor Cari­ngal, nilinaw niya na “nagpasya siyang alisin ang kanyang interes at nagbitiw bilang chairman of the board” ng ilang korporasyon sa ICM group na pinamumunuan ni Chief Executive Officer Ildefonso “Bong” Medel, kabilang ang Flex Fuel Petroleum Corporation.

Ayon kay Caringal, “iba’t ibang indibidwal na nagsasabing sila ay mga mamumuhunan/kasamang may-ari ng Flex Fuel ay nakikipag-ugnayan sa aming kliyente para sa tulong,” nakasaad pa sa naturang statement.

Sinabi ni Caringal na umaapela si Luis sa NBI “na magsagawa ng imbestigasyon sa bagay na ito” dahil nabigo si Medel na tugunan ang mga alalahanin ng mga nasabing investor.

Sa isang affidavit na may petsang Dis. 21, 2022, ipinaliwanag ni Luis na ginawa siyang chairman ng board ng mga kumpanya ng Medel “bilang isa sa mga garantiya para sa aking pamumuhunan.”

Binigyang-diin ni Luis, gayunpaman, na “I never took part in the management of the business” at kalaunan ay nagbitiw at pormal na humiwalay sa mga kumpanya ng grupo ng ICM, kabilang ang Flex Fuel, ayon pa sa statement ng kampo ni Luis.

“Bong conduct the business in such a way that operational matters were kept away from me,” ayon sa bagong ama, na idinagdag na hindi ibinun­yag ni Medel ang “important matters” sa kanya.

Sa parehong affidavit, isinalaysay pa ni Luis na matapos magbitiw sa Flex Fuel at iba pang kum­panya ng ICM noong Pebrero 2022, iba’t ibang investor ang umabot sa kanya para humingi ng tulong, ngunit matapos itong maihatid kay Medel, walang aksyon na ginawa ang huli.

“Hanggang ngayon,” sinabi pa ni Luis sa nasabing affidavit, “there are still individuals reaching out to me for help and assistance regarding their investments in Flex Fuel.”

Hindi pa nagbibigay ng statement tungkol dito ang mommy niya na si former Rep. Vilma Santos o ama nitong si Edu Manzano.

Tulad ni Tom Rodriguez, diumano’y best man din sa kasal nina Luis at Jessy ang CFO na si Ildefonso “Bong” Medel.

Nauna na ngang pinagbintangang ang best man nina Tom at Carla Abellana ang diumano’y nasangkot din sa pagkawala ng pera ni Tom na sa kasalukuyan ay deactivated na ang account sa social media at hindi na ‘mahanap.’

Nauna nang may nasulat na may mga pertroluem companies na nagbebenta ng ‘equity securities’ na walang permiso ng Securities and Exchange Commission.

May ilan pang petroleum companies na diumano’y may mga investor ding celebrity na hindi authorized ng SEC.

Janella, inaming mas tumapang nang magkaanak

Parang walang-wala na sa radar ni Janella Salvador si Markus Paterson.

Wala nang nagtatanong sa kanya tungkol sa ama ng kanyang anak.

Sa kasalukuyan ay proud si Janella na naging idol siya ng maraming babae at single moms nang gampanan niya ang role ni Regine / Valentina sa magtatapos na teleseryeng Darna.

“It gave me the confidence that I’m really for this industry kasi I usually doubted myself before,” aniya tungkol sa ginampanan niyang role.

Aniya pa, marami siyang natutunan sa nasabing character para sa kanyang sarili. “Perfect timing and everything, super,” aniya sa ginanap na presscon days ago.

“Mas matapang ako ngayon after becoming a mom na tumanggap ng ibang roles because why not? I mean, wala akong tinatago ngayon. This is me. It’s who I am.

“Kaya siyempre, pipiliin ko pa rin ‘yung mga roles kasi siyempre hindi naman pwedeng basta-basta tatanggap lang ako nang tatanggap. It really depends on how it’s portrayed if may redemption or it’s properly portrayed,” dagdag niya sa tanong kung handa pa ba siyang tumanggap pa rin ng kontrabida role.

Ito rin ang first starring role pagkatapos niyang manganak.

“This is actually my first role after motherhood and hindi ko alam if it’s because of motherhood or also because the role is really so well written but tulad ng sabi I really grew as an actress. Mas may confidence ako to take on different roles. Mas minahal ko ‘yung craft ko dahil sa role na ‘to. Excited ako na gumawa ng iba’t ibang klaseng mga macha-challenge sa’kin.” 

“It really gave me more confidence, na-inspire talaga ako sa character ko, kay Regina. Gusto kong maging katulad niya. Gusto ko talagang ipaglaban kung ano ang tama. Gusto kong magkaroon ng boses at maging boses ng henerasyon,” banggit pa niya sa presscon.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with