^

Pang Movies

Tom at Luis, nabiktima ng kanilang best man?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Tom at Luis, nabiktima ng kanilang best man?!
Tom

Naalala namin si Tom Rodriguez kay Luis Manzano dahil parang pareho sila ng isyung kinasangkutan na involved ang taong malapit sa kanila.

Sa mga nabasa namin sa kaso ni Tom, best man sa kasal nila ni Carla Abellana ang itinurong isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kanilang relasyon na umabot sa kanilang paghihiwalay at diborsyo.

Heto ngayon kay Luis, best man din daw sa kasal nila ni Jessy Mendiola ang rason kung bakit inireklamo si Luis at kanyang best man sa NBI dahil diumano sa P100 million Flex Fuel scam. Ang malala pa, may P66 million na utang din daw ang kampo ng best man na ito kay Luis, sariling pera ito ni Luis.

Ano ba ang meron sa mga best man na ito at nagiging rason sila sa malaking problema sa mga taong nagtitiwala sa kanila. Si Tom nanganganib mawalan totally ng career dahil sa pagtitiwala sa maling tao.

Sana lang, hindi involved si Mr. Best Man sa LDR taxi fleet nina Luis at mga kaibigan dahil baka pati ang taxi business ni Luis maapektuhan kung kasosyo nila si Mr. Best Man.

Malaking pera ang P66 million lalo na ngayong may anak na sina Luis at Jessy, makakabili o makakapagpatayo sila ng gusto nilang bahay sa milyones na ito.

Kaya lang, mabawi pa kaya ni Luis ang P66 million?

Unbreak… stars, may send-off party na

Nag-bonding ang cast, staff, at bosses ng ABS-CBN, GMA Network at Viu sa isang dinner. Present ang cast ng Unbreak my Heart na sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia. Naroon din sina Nikki Valdez, Will Ashley at Bianca de Vera.

Present din si Director Manny Palo at ABS-CBN bosses na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes at Deo Endrinal. Sa GMA, present sina Atty. Annette Gozon, Joey Abacan, Joy Marcelo at Tracy Garcia.

Nasa bonding time rin si Sunshine Cruz na kasama pala sa cast at isang Kapamilya actor na kasama na rin sa cast. Wala ang ibang cast na in-announce sa contract signing, baka hindi lang sila nakarating.

Ang sabi, send-off party raw ‘yun, ang ibig bang sabihin, malapit nang lumipad pa-Switzerland ang cast para simulan na ang taping kaya may pa send-off party na? Masaya ang gabing ‘yun at may Karaoke pa after ng dinner.

Masaya ang Kapamilya at Kapuso fans sa collab na ito, nagtatanong lang sila kung bakit sa GMA 7 lang ang airing ng Unbreak mg Heart bakit daw hindi pagsabayin ang airing sa GMA 7 at ABS-CBN?

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with