^

Pang Movies

Butas sa batas ng MTRCB, inaapelang ayusin!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Kailangang amyendahan ang batas na PD 1986 para mas maging malinaw na ang internet streaming  ay kailangang dumaan sa classification ng MTRCB. Kahit na sinong abogado, sasabihin sa inyong maraming loopholes ang mga batas, at iyan ay nagagamit para makalusot sa ipinagbabawal ng batas,” sabi ng isang professor of law.

Totoo iyan. Kung sabihin nga “Nulla poena sine lege” na ibig sabihin walang parusa kung walang batas. Iyan ang iginigiit ng mga naglalabas sa internet streaming. Pero may ibang kaisipan sa pagpapatupad ng batas na kung sabihin nga iyang mahahalay na panoorin ay “malum in se.” Ibig sabihin hindi katanggap-tanggap sa moralidad ng lipunan.

Dalawang bagay para maayos iyan. Una gumawa ang kongreso ng amyenda sa batas na ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos noon pang 1985. O kaya gamit ang kasalukuyang batas, linawin sa pamamagitan ng desisyon ng Korte kung nasasakop nga ba ng MTRCB ang internet streaming dahil iyon ay maliwanag na “commercial distribution of a motion picture.”

Isa pa, kailangang linawin din kung ang mga violation sa PD 1986 ay papatawan nga lang ng multa, o maituturing ding isang krimen at mapaparusahan ng pagkakakulong ng mga lalabag.

 Wala pa kasing kasong naisasampa sa korte eh, puro natatapos sa pagbabayad ng multa.

Maaaring matrabaho, at magastos ang magtungo sa korte, pero sa paraang iyon mas magiging malinaw ang diwa ng batas.

Sa pagpapatupad ng batas, hindi lang kung ano ang nasusulat kundi ang dapat ipatupad ay ang diwa ng batas.

Kasabihan nga “salus populi est supreme lex,” ibig sabihin “ang kabutihan ng mga mamamayan ang pinakamataas na batas.”

Alex, bugbog-sarado na!

Siguro naman talagang natuto na at madadala si Alex Gonzaga. Nagsimula lang iyan nang pahiran niya ng icing ng cake ang isang waiter.

Kung sa usapang legal, maaaring magdemanda ang waiter ng “slander by deed,” pero alam naman na iyon ay biro lang, wala nga lang sa ayos kaya hindi naman pinaabot na sa ganoon. Pero dahil doon naungkat ang lahat ng mga atraso ni Alex kahit na ilang dekada na ang nakaraan.

Sino ba ang nakakaalam na nagpapa-make up siya habang nakahiga pa? Sino ang nakakaalam na galit sa kanya ang mga kapwa niya artista na pinaghihintay niya sa set nang kung ilang oras? Pero dahil lang sa pagpapahid ng icing sa mukha ng waiter, lumabas ang lahat nang iyan. At nakakatawa ha, ang daming artistang nag-comment. Pati iyong isang singer na matagal na naming hindi naririnig at wala nang career biglang sumulpot para magbigay ng comment.

Walang dudang nabugbog si Alex Gonzaga sa isyung iyan. kaya dapat nang tapusin.

Nasabi na lahat laban sa kanya. Pinalabas nang hindi maganda ang ugali niya. Hindi naman nangatuwiran na iyong tao sa mga akusasyon laban sa kanya.

Pelikulang tomboyan, susubukang ipalit sa BL!

Bagsak na ang mga pelikulang kung tawagin nila ay BL. Hindi na pinanonood ng mga tao, may iba ngang tapos na pero hindi na maipalabas dahil walang interesado.

Ngayon may nagpaplano namang gumawa ng GL. Ibig sabihin naman niyan ay “girls’ love,” na kuwento naman ng lesbians.

Kung hindi sapat ang bilang ng mga bakla para maging hits ang mga pelikulang BL, sapat kaya ang bilang ng mga tomboy para kumita ang mga pelikulang GL?

Kailangan na talagang madaliin ang amyenda sa MTRCB law

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with