^

Pang Movies

Ogie, inasar sa tucked-in na barong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ogie, inasar sa tucked-in na barong
Ogie at Regine

Pinuna ng netizens ang manner nang pagsusuot ni Ogie Alcasid ng Barong Tagalog  sa ginanap na  Bench Ternocon. Makikita kasing naka-tuck in ang Barong Tagalog na suot ni Ogie at may mga pumalag.

Sabi ng isang comment, “Mr. Ogie Alcasid isinusuot po ang Barong Tagalog untucked. Isuot nyo ito ng tama at may pag galang. Batangue?o pa naman kayo. Dapat alam nyo yan.”

Ganu’n din ang tanong ng ibang netizens at ang comment nga ng isa pang netizen ay “Tucked-in male national costume... Wowoweird.”

Kaya lang sa Instagram account ni Cong. Richard Gomez nasulat ang comment, hindi yata nabasa ni Ogie. In fairness, hindi naman na-bash si Ogie, ipinaalala lang sa kanya ang tamang pagsusuot ng Barong Tagalog.

Ang naalala namin, hindi si Ogie sa mga celebrity ang unang nagsuot ng Barong Tagalog na naka-tuck-in. May mga nakita na rin kaming mga celebrity na ganu’n isinuot ang Barong Tagalog.

Dumalo rin sa ginanap na Ternocon si Regine Velasquez na ang ganda sa suot na pink Filipiniana. At least, walang nakitang mali ang netizens sa pagsu-suot niya ng gown.

Pokwang, pinagbintangang bitter sa ex!

Hindi dine-delete ni Lee O’Brian ang comment ni Pokwang patungkol sa kanya na manggagamit siya at five years nang hindi sinusuportahan ang anak nilang si Malia. Kahit sa Tagalog ang post ni Pokwang, maiintindihan ‘yun ni Lee kapag ipina-translate sa mga kaibigan niyang Pilipino.

Kung marami ang kumampi kay Pokwang, may mga nagtanggol din kay Lee. Sinabihan si Pokwang na bina-bash nito si Lee at matindi ang galit niya sa ex. Dinare pa si Pokwang na i-reveal ang rason ng kanilang paghiwalay para maintindihan nila.

Pati nga sa ibang fansite, sinabihan si Pokwang na bitter at nagalit nang malamang may ibang nililigawan o girlfriend na si Lee. ‘Yun din ang nakitang rason ng netizens kung bakit nakipag-meeting si Pokwang sa kanyang lawyer, nang malamang may iba ng girl si Lee.

Hintayin natin at may sagot si Pokwang sa ipinipukol sa kanyang bitter lang siya kaya nag-iingay ngayon. Pero, ang tapang niya, sa IG pa ni Lee nag-comment na hindi nito sinusuportahan ang anak nilang si Malia.

Busy si Pokwang sa kasalukuyan sa pagpapa-landscape ng resthouse niya sa Camaya Coast, saka busy sa career niya sa GMA.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with