^

Pang Movies

Paolo, inaming sinuwerte si Lian

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Paolo, inaming sinuwerte si Lian
Xalene, John at Xonia

Mas lalong napuri si John Cabahug sa mga sinabi ni Paolo Contis.

Si John ang tumayong ama sa dalawang anak ni Paolo kay Lian Paz pagkatapos nilang maghiwalay.

Maliliit pa noon ang dalawang anak nina Paolo at Lian nang maghiwalay sila.

At lumaki na sina Xonia and Xalene na ang kinilalang ama ay si John na isang negosyante na naka-base sa Cebu.

“Pero ‘yung sa dalawa, medyo malalim-lalim na ‘yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi,” pag-amin ni Paolo kay tito Boy Abunda sa programang Fast Talk.

“I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata. Dun suwerte ako kasi mabait ‘yung John eh,” banggit pa ni Paolo.

Matagal nang sinasabi ng mga nakakaalam sa pangyayari na dapat talaga ay Cabahug na ang apel­yido ng dalawang nagdadalaga nang anak ni Paolo kay Lian.

Anim na taon nang ‘di nakikita ng aktor ang dalawang anak na sa Cebu na nakatira.

Mayaman sa Cebu ang pamilya ni John na isa ring basketball player kaya kuntento na sila Lian doon.

May anak din si John sa dating karelasyon na nag-celebrate ng 7th birthday kahapon.

Samantala, ngayong hapon mapapanood ang continuation ng interview ni tito Boy kay Paolo.

Sosyal si Paolo ha. Imagine two-part ang interview niya sa Fast Talk.

Kelan naman kaya mai-interview ni Tito Boy si LJ Reyes?

Maaalalang kay Tito Boy naunang nagsalita si LJ nang maghiwalay sila ng aktor noong kalagitnaan ng pandemya.

Kasalukuyan itong nasa New York kasama ang anak nila ni Paolo na si Summer na inamin din ni Paolo na hindi nabibigyan ng sustento.

vuukle comment

JOHN CABAHUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with