^

Pang Movies

JC Regino, katunog ng nasirang ama!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
JC Regino, katunog ng nasirang ama!
JC Regino

Ang bongga naman ni JC Regino na anak ng hitmaker na si “Idol” April Boy Regino. Kasama na ito sa mga artist ng GMA Music dahil pumirma na ito ng kontrata.

Malaki ang pasasalamat nito sa binigay na oportunidad sa kanya. Masaya siya na kinuha siya ng GMA Music at pagtitiwala nito sa kanya dahil aniya matagal na nilang plano ng dad niya na si April Boy na makabalik siya sa music industry.

Proud na proud din siya tuwing may nakakakilala sa tatay niya bilang anak ng isang legend sa musika dahil umikot daw talaga ang buhay nila sa musika lalo na nang minana niya rito ang talent sa pagkanta at pag-compose ng mga awitin.

Hindi na raw siya makapaghintay na maiparinig sa mga Kapuso na tagapakinig ang mga original composition niya. Siguradong aabangan ito ng mga supporter ng daddy niya at para raw ito sa mga tagahanga nito bilang pasasalamat sa kanila.

At ‘pag narinig daw ang kanta niya ay malalamang may tunog pa rin ito ng April Boys dahil kasama niya ang mga tiyuhin niya nang gawin ang kantang ito. Talagang tinatangkilik nila ang Original Pinoy Music. Bongga.

vuukle comment

JC REGINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with