^

Pang Movies

Jodi at JM, best drama actress at actor sa Star Awards

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jodi at JM, best drama actress at actor sa Star Awards
Jodi Sta. Maria

Itinanghal na Best TV Station ang GMA 7 habang nakamit nina Jodi Sta. Maria at JM de Guzman ang top acting awards bilang Best Drama Actress at Actor sa matagumpay na face-to-face awards night ng 35th Star Awards For Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap nitong Sabado, Enero 28, sa Grand Ballroom ng Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Manila.

Nagwagi si Jodi para sa mahusay niyang pagga­nap sa Kapamilya teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na ipinalabas via free TV sa TV5 at A2Z. Nanalo naman si JM sa pasabog niyang role sa Init Sa Magdamag na napanood sa A2Z at TV5.

Pinangunahan nina Aiko Melendez, John Estrada, at Pops Fernandez ang mga bituin na nagpaning­ning sa gabi ng parangal bilang mga host. Dahil sa kanilang stunning looks ay humakot ng special awards ang tatlo – Pops (Female Star of the Night, Female Face of the Night); Aiko (Female Winning Look of the Night, Female Celebrity of the Night); at John (Male Winning Look of the Night, Male Face of the Night). Idagdag pa ang Best Drama Supporting Actor award na tinanggap ni John para sa kanyang role sa GMA teleseryeng Babawiin Ang Lahat.

Bongga ang ginawang pagtatanghal ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa opening number. Hinandugan din ng special number ng JAMSAP talents ang mga manonood. At para sa finale bago ianunsiyo ang huling tatlong major awards ay ang heartfelt performance ni Pop Diva Kuh Ledesma.

Pinarangalan naman ang dating aktres at veteran TV host na si Connie Angeles ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, habang iginawad kay Senador Raffy Tulfo ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award. Bago pinarangalan ay binigyang-pugay muna nina Kris Lawrence, Joaquin Garcia, at JV Decena sa isang tribute number ang lifetime achievevement awardees.

Kinilala ang lakas ng tambalan nina Donny Pangi­linan at Belle Mariano (He’s Into Her, Season 1/A2Z) pati na rin nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos (The Lost Recipe/GMA 7) para tanghaling German Moreno Power Tandem of the Year.

Kabilang ding highlights sa gabi ng parangal ay matapos magwaging Best Drama Supporting Actress ni Sylvia Sanchez para sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba, siya na rin ang tumanggap sa Best Single Performance by an Actor award ng anak niyang si Arjo Atayde para sa Doctor Hero episode ng Maalaala Mo Kaya. Pati na rin ang award ng naka-tie ni Arjo na si Joshua Garcia, na malapit din sa puso ng aktres dahil sa pagganap nila bilang mag-lola sa teleseryeng The Greatest Love noong 2016. Nanalo naman si Joshua para sa Life’s Sketch episode ng Maalaala Mo Kaya.

Ang 35th Star Awards For Television ay sama-samang binuo ng mga officer at members ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nitong si Fernan de Guzman.

 

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with