^

Pang Movies

Boy Abunda, naalalang kasabay ni Ate Vi na sumikat ang Beatles

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Boy Abunda, naalalang kasabay ni Ate Vi na sumikat ang Beatles
Vilma Santos

Impressed kami sa record ni Vilma Santos na sa kanyang unang pelikula, at nine years old, ay nanalo agad siyang best child actress sa FAMAS. At isipin ninyo ha, noong 1963, “ang Famas ay Famas” pa talaga. Hindi iyan pinagdududahan noong panahong iyon. Pero mas nagustuhan namin ang acting niya sa ikalawang pelikula niya na napanood namin, ang Ging.

Bata pa rin kami noon at isinasama ka­ming manood ng mga pelikulang pambata, iyon ang classification ng mga ganyang pelikula noon. Maski naman ang numero unong kakumpitensiya niyang si Nora Aunor, sa isang televised interview, inamin ding tumatakas siya sa bahay nila noon para manood ng sine, at ilang ulit din niyang pinanood ang Trudis Liit at Ging.

But we stand corrected. Noon kasing isang araw, kausap namin ang King of Talk na si Boy Abunda, sabi niya, “you’re talking about the Philippines. But Vilma Santos does not belong to the Philippines. She belongs to the world.” Tapos inisa-isa niya ang nangyari noong 1963, iyong simula ng pagbulusok ng popularidad ni Martin Luther King, binaril si John F. Kennedy sa Dallas,Texas. Nagsimula ring sumikat ang Beatles. At dito sa Pilipinas, nagsimula ang career ng isang bata na magiging isa sa pinakamalaking star, isang mahusay na aktres, si Vilma Santos.

Nakakagulat pero mukhang tama ngang sa mga ganoong pangyayari dapat ihanay ang pagsisimula ni Vilma Santos.

Sino ba ang mag-aakala na ang batang iyon ay gagawa nang mahigit na 300 pelikulang hits? Sino ba ang mag-aakalang isang araw siya ay lalabas sa telebisyon na magrerehistro ng rating na 47%, na siyang pinakamataas sa telebisyon at tinalo lang historically ng live telecast ng Ali-Frazier Thrilla in Manila noon na nagtala ng 62%.

Siya ang nakagawa ng pinakamaraming pelikulang Darna, nakaapat siya, at lahat ng iyon ay malala­king hits, kaya ipinagawa pang kasunod sa kanya ang Dyesebel na hit din.

Siya ang may pinakamaraming pelikulang nagawa at nailabas sa loob ng isang taon. Dalawampu’t anim na pelikula niya ang naipalabas lahat noong 1970. Si John Wayne ay nakagawa lamang ng 12 noong 1933, at sa India,na itinuturing na second world film capital ay si Amhar Puri na gumawa ng 18 pelikula noong 1981. Ang sinasabi namin ay world records na ha. Dito sa Pilipinas, ang pangalawang nakagawa ng pinakamaraming pelikula sa loob ng isang taon ay si Chiquito.

Sa pulitika, ang unang artistang naging tagumpay sa pulitika ay si Rogelio dela Rosa. Si Mang Roger ay naging isang senador at halos siya na ang dapat sanang nanalong presidente ng Pilipinas, kung hindi lamang umatras pabor sa kanyang bayaw na si Diosdado Macapagal noong 1961. Ang unang asawa ni Diosdado Macapagal ay si Purita dela Rosa na kapatid ni Mang Roger. Pero hindi man naging presidente, nagpatuloy si Mang Roger bilang embahador ng Pilipinas hanggang sa magretiro.

Pero si Ate Vi ang tumakbo ng walang talo nang walong eleksiyon at sa tatlong huli ay nagrehistro pa ng pinakamalaking lamang sa kanyang mga nakalaban batay sa kasaysayan ng halalan. Siya rin ang pinagkalooban ng Lingkod Bayan award, ang pinakamataas na presidential award na maaaring ibigay sa isang sibilyang naglingkod sa bayan, na batay sa records ng Civil Service Commission. Nanungkulan siya bilang isang public servant sa loob ng 23 taon. At pagkatapos ay ano? Artista na naman si Ate Vi. Hindi pa natatapos sa loob ng anim na dekada ang kanyang career sa show business.

“Artista pa rin naman ako. Puwede rin akong magdirek o kaya ay mag-produce ulit,” sabi pa ni Ate Vi. Pero para sa isang Vilmanian, hindi lang iyan ang nari­nig namin. “Kahit na umabot pa siya ng 100 years old mananatili kaming Vilmanians, at madadagdagan pa kami dahil ngayon maraming mga bata na fan ni Ate Vi na sumasama pa sa amin. In fact may mga fan clubs na nag-affiliate sa amin na ang members ay puro bata, at napapanood ang mga pelikula ni Ate Vi kahit na noong araw sa video,” sabi naman ni Jojo Lim ng VSSI.

 

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with