^

Pang Movies

Alam na yarn… mahusay na aktor na laging nasa tent, lalaking masahista ang gustong kasama

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinakabahan madalas ang ilan sa production people ng isang film company kapag nakakatrabaho nila ang isang magaling na aktor.

Bihirang makipag­chikahan ang aktor sa mga staff and crew. Lagi lang ito sa kanyang tent at nag-iisa. Lumalabas lang ito kapag eksena niya ang kukunan.

Eh minsan, isang intense scene ang ginawa ng aktor at napahanga niya ang taong nakapanood ng ginawa niya. Pagkatapos ng eksena, diretso sa tent at nang lumabas, tumawag siya ng isang staff at humiling na kumuha ng masahista.

Tinanong ng staff kung gusto ba niya ang babaeng malaki ang boobs. Sagot ng aktor, hindi!

Mas gusto niya raw ang lalaking masahista na malaki ang katawan! Shocked ang nakausap na staff. Hindi niya akalaing lala­king masahista pala ang gusto ng aktor, huh!

Pasimpleng tumalikod ang staff at takang-taka sa gusto ng aktor habang ‘yung kasamahan na alam ang gender preference ng aktor ay pasimpleng tumatawa sa isang tabi!

Looks can be deceiving, ‘di ba, Salve A.?

Mga kumpisal ni Paolo, ‘di nakaya ng oras ni Boy Abunda

Kulang ang 20 minutes na programa ni Boy Abunda na Fast Talk para kay Paolo Contis.

Si Paolo ang guest last Friday pero hindi pa tapos ang pangungumpisal niya kay Boy that episode kaya sa Lunes, ang part 2 ng interview kay Paolo ang mapapanood.

Nakakalungkot lang ang sitwayson niya. May tatlong anak pero hindi niya nakikita at nakakasama. Hindi siya nakapagbigay ng suporta pero bawi niya, “I am saving for them.”

Hindi natin alam kung ano ang puno’t dulo ng problema ni Paolo kaya huwag natin siyang husgahan agad.

Isa siyang komedyante na ebidensiya ng sinasabing, “Laughing on the outside but crying on the inside!”

Kaya mo ‘yan, Paolo!

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with