Paglipad ni Regine, naudlot!
Hindi pala natuloy si Regine Velasquez na mag-guest sa finale episode ng Darna.
Totoo pala ang usapan na hindi pwede si Jane sa ibinigay na schedule ni Regine dahil naka-oo na ito (Jane) sa ibang raket.
Nagpasalamat naman ang staff ng Darna na tinanggap sana ni Regine, hindi nga lang natuloy.
“Bilang paglilinaw, hindi natuloy ang guesting ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Mar’s Ravelo’s Darna dahil hindi nagtugma ang schedule nila ni Jane de Leon.
“Buong puso kaming nagpapasalamat kay Regine sa malugod niyang pagtanggap sa aming imbitasyon.”
Sayang, ang bongga sana kung lumipad na Darna si Regine.
Inoperan din daw si Nanette Medved para sa special appearance pero hindi rin pwede ang dating Darna.
- Latest