^

Pang Movies

Barbie, ayaw magbigay ng false hope sa kanila ni David

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Barbie, ayaw magbigay ng false hope sa kanila ni David
David, Barbie at Ishin owners

Naging napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa tandem nina Barbie Forteza at David Licauco sa Kapuso serye na Maria Clara at Ibarra. FiLay nga ang tawag sa kanilang loveteam na base sa pangalan ng kani-kanilang karakter sa series na Fidel and Klay.

Gabi-gabing nagti-trending ang FiLay dahil sa mga nakakakilig nilang eksena sa serye at biglang naging instant crush nga ng mga kababaihan si David lalo pa nga’t mukha siyang Korean.

Dahil sa kanilang kasikatan ngayon, may endorsement na rin sila together, take note. Sila ang kinuhang first celebrity endorsers ng isa sa bestselling whitening product ngayon sa market, ang Ishin na pag-aari ng young power couple na sina Mario Miguel and Shirleen Bautista.

Opisyal silang ini-launch as the Face of Ishin last Thursday sa Le Reve Pool and Events Venue kung saan ay nagkaroon din ng contract signing ang dalawa with Ishin’s bosses.

Aminado ang CEO na si Shirleen na maging siya ay kinikilig sa FiLay kaya ang mga ito ang naisip nilang maging celebrity endorsers. Bukod dito, gustung-gusto raw niya ang angelic beauty ni Barbie at ang Korean look naman ni David.

Dahil nga maraming kinikilig sa tandem nila, of course ay may mga nagwi-wish din na mauwi rin ito in real life. Pero siyempre, alam naman nating lahat na may boyfriend si Barbie, ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

Ayon kay Barbie, as much as grateful and thankful siya sa mga taong sumusuporta sa kanilang tandem, malinaw naman sa kanilang dalawa na trabaho lang ito talaga at siyempre, ayaw niyang magbigay ng false hope sa mga umaasa na pwedeng mauwi sa totohanan ang kanilang relasyon.

“Kahit grabe, napaka-unexpected ng success ng FiLay, hindi ko naman para kalimutan ‘yung lalaki na nagpasaya sa akin for the past five years and still counting, ‘yung lalaking kasama ko nu’ng pandemic, nasasabihan ko ng personal struggles ko and all, the one whom I share my victories and struggle with.

“Kumbaga, in-accept niya ako ng buong-buo at ganu’n din ako sa kanya. Hindi ko naman ‘yung kakalimutan just because of FiLay.

“But then again, I’m so grateful for the success, for this blessing that I share with David now and we’re very good friends and I’m proud to say that,” pahayag ni Barbie.

Ayon naman kay David, malaki ang respeto niya kay Jak at never na never niyang gagawin na agawin si Barbie rito.

“Sa simula pa lang, lagi kong sinasabi kay Barbie na napakabait na tao ni Jak. Nakatrabaho ko siya sa Heartful Café dati, nag-guest siya doon and nakita ko na genuine siyang tao and masipag siya and pinaghirapan niya kung nasan siya ngayon.

“Kaya I admire Jak as a person. Ako siyempre, respeto lang din, ‘di ba? Parang wala naman akong gagawin na alam mo ‘yun, parang lalandiin ko si Barbie. Wala naman akong gagawing ganu’n kasi siyempre, alam ko ‘yung boundaries ko as a person.

“Hindi naman ako ‘yung type ng guy na kung may boyfriend ‘yung babae, eh, lalandiin ko or magta-try akong mag-make ng move. I was never like that,” sey naman ni David.

By the way, single na single si David at wala siyang girlfriend ngayon. Focused daw siya sa kanyang career at saka na raw ang pag-ibig.

Samantala, ang isa sa ipinagmamalaki at best seller product ng Ishin ay ang kanilang Advanced White whitening supplement na siya ring paboritong produkto nina David and Barbie.

Ngayon ay nag-launch sila ng mga bagong produkto tulad ng Ishin Premium Soap, Ishin Premium Scrub, and Ishin Premium Lotion.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with