^

Pang Movies

Kaseksihan ni Darna, hindi lumusot sa Indonesia!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kaseksihan ni Darna, hindi lumusot sa Indonesia!
Jane de Leon

Malabo ang mga lumabas na alibi kung bakit kanselado na ang pagpapalabas ng Darna ni Jane de Leon sa Indonesia.

Sabi sa statement, pansamantala lang iyong itinigil dahil gustong ibalik iyon ng ANTV bilang digital feature, dahil nag-convert na nga sila sa digital broadcasting.

Pero ang nakakatawa, ganoon pala ang ideya, bakit inilabas pa nila sa analog dalawang linggo lang ang nakaraan.

Alam naman nilang magiging digital sila, eh di sana hinintay na lang nilang mag-digital bago nila ipinalabas. At saka bakit iyong serye lang ni Jane ang kanselado? Bakit iyong iba diretso lang from analog to digital?

Bago iyan marami rin namang naging problema ang serye ni Jane sa Indonesia. Iyan ay isang traditionally muslim country, at sa totoo lang hindi pinapayagan ang mga babae na nakabilad ang katawan, at hindi natin maikakaila na halos bilad katawan ni Jane sa kanyang costume bilang Darna. Bini-blurred iyon. Pinapatungan ng screen at kung minsan hindi na raw makita si Jane mismo.

Mas pinaniniwalaan namin ang kuwentong nagkaroon nga ng problema dahil sa kaugalian sa Indonesia, hindi naman iyan kagaya rito sa atin na panay hubaran ang mapapanood mo, lalo na sa internet na ang palabas talagang porno na.

Kahit nga iyong sinasabing BL series sa Indonesia, hindi rin kasing lala ng mga ginagawa rito. Sa kanila implied lang ang kabaklaan, ‘di gaya rito na hubaran na rin talaga. Kasi nga labag iyon sa kultura nila at bawal din ang kabaklaan sa Islam.

Bea, mabigat pa rin ang dugo kay Gerald

Mabigat iyong salita ni Bea Alonzo ha, hindi na siya maaaring makipagkasundo maski na makipagkaibigan lang sa ex na si Gerald Anderson. Mabigat ang paratang ni Bea na “sinungaling” si Gerald nang sabihin daw noon sa isang interview na hindi siya “nag-ghosting kay Bea.”

Big word ha, mabuti at hindi pa kumokonsulta sa kanyang lawyer ang aktor.

Pero dapat naman talaga madala na si Bea. Noong una, iniwan din siya nito matapos na makilala si Maja Salvador. Tapos sa ikalawang pagkakataon, nakasama lang sa isang pelikula si Julia Barretto, iniwan na naman siya. Bakit? Mukha bang kaiwan-iwan talaga siya? Mukhang hindi naman.

Pero mukha ngang nadala na siya kay Gerald. Tingnan ninyo, ang syota ngayon ni Bea ay malayo ang hitsura kaysa kay Gerald, at kumuha siya ng hindi kasing sikat nito para maiwasan nga naman ang controversy.

Ngayon kung sa kabila niyan ay duma­ting pa rin ang panahon na muling iwanan ng kanyang boyfriend si Bea, magtatanong na nga tayo kung bakit lagi siyang naiiwan.

Action star, retokado ang ilong

Natatawa pa ang nagkuwento sa amin dahil nakita raw niya na nagte-taping ng isang bagong serye ang isang male star sa hindi kalayuan sa bahay nila.

Obviously kilalang-kilala niya ang male star dahil nagkasama sila sa trabaho sa isang network ng ilang panahon din naman, at hindi raw noon maikakaila sa kanya na “nagparetoke” nga iyon ng ilong.

Hindi naman masama ang ilong ni male star. Hindi naman kasing laki iyon ng ilong ng isang komedyante noong araw. Hindi rin naman iyon kagaya ng ilong ng isang nagpipilit na maging matinee idol at BL star, na ang nipis na ng ilong kapaparetoke.

Pero hindi ba niya naisip na baka tamaan ng suntok sa kanyang action scenes ang ipinaretoke niyang ilong at lalong masira iyon?

 

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with