^

Pang Movies

Bida next finalist, may jowang LGBTQ+ member

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bida next finalist, may jowang LGBTQ+ member
Clare Inso

Proud ang isa sa Bida Next grand finalists ng Eat Bulaga search na si Clare Inso na may partner siya of six years na member ng LGBTQ+.

Naging makatotohanan si Claire sa simula pa lang ng labanan ng search sa noontime show. Eh kahit na nga marami ang tukso sa showbiz, “She’s very supportive sa pagsali ko. Eh aside from being her partner, siya rin ang lumalalabas na business parner ko! Happy ako at magkasama kami sa journey ko na ‘to.”

Hindi rin ipinagkaila ni Clare na may pinabago siya sa kanyang mukha lalo na ‘yung ilong niya. “I am proud of it. I am not afraid to try something new dahil as an artist, you should know how to evolve,” pahayag pa ni Clare nang makausap namin sa aming Maritess University podcast.

Maganda ang face ni Clare pero hindi pa sapat ang height niya upang mapasali sa beauty contest. “Maybe kapag pumasok ang height ko sa contest,” rason niya.

Sa Feb. 4 ang grand finals ang Bida Next search ng Bulaga at sa anim na grand finalists, isa lang daw ang makukuha.

Anyway, gusto naming magpasalamat sa Bulaga especially Miss Jenny Jerre, Rod de la Cruz at RJ Franco na pumayag at tumulong maging guests namin ang four finalists ng Bida Next.

Sheryl, kinulam ng pamilya!

Tungkol sa kulam ang tatalakayin ngayong gabi sa episode ng Magpakailanman na Kinulam Na Ina.

Eh ang nakakaaliw sa episode, ang kumulam sa ina ay ang sarili niyang pamilya na matapos niyang bastusin ay mas matindi ang ganti sa kanya, huh!

Si Sheryl Cruz ang lalabas na ina na kinulam at isa sa kasama niya sa cast ay si Leandro Baldemor!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with