^

Pang Movies

Pokwang, kinausap ang abogado para sa sustento ng ex?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pokwang, kinausap ang abogado para sa sustento ng ex?!
Malia at Lee

Naghulaan ang netizens na nakakita sa Instagram story ni Pokwang na kasama ang anak na si Malia at nasa sasakyan sila. Naintriga sila sa caption ni Pokwang na “On our way to Atty. Santos’s office. We got this nak.”

Dahil walang sinabi si Pokwang kung anong rason ng pagbisita nina Pokwang at Malia sa office ng isang lawyer, ang netizen na ang nagsabing baka tungkol sa sustento ni Malia from her dad Lee O’Brian ang rason.

Dagdag pa ng netizen, kung may pera raw si Lee na maglandi sa ibang babae, dapat may pera rin siya pangsustento kay Malia. Para raw sa food at pag-aaral ng bata.

Hindi yata ito nagbibigay ng sustento kay Malia at ang aktres lahat ang gumagastos para sa anak nila.

Pero, nahihiram nito ang bata at sa birthday nga nito, magkasama ang mag-ama. Kaya lang, iba pa rin ‘pag may sustento ito mula sa ama lalo’t may mga project naman itong ginagawa rito.

Anne, pinagkakaabalahan ang baon ni Dahlia

Bida sa Instagram story ni Anne Curtis ang baon ng anak na si Dahlia sa pagpasok sa school. Ang ganda ng pagkakaayos ni Anne sa baon ng anak, may strawberries, apple at wheat bread na ginawang pusa ang design. Obvious ang effort na ginawa ni Anne para mas ganahan itong kumain.

Ang caption nito sa kanyang post ay “Dahlia’s baon today! Made by yours truly. Maybe got a little excited.”

Pinuri siya ng netizens sa pagiging hands-on mom at naalala nila si Solenn Heussaff na nag-i-effort din sa baon ni Tili. Parehong hands-on mom ang mag-hipag.

Naalala pala namin ang napanood na video na nag-uusap ang dalawang bagets at kinuwento ni Tili na nalagyan ng slime ang buhok niya. Tanong ni Dahlia, “who cut your hair?” na sinagot ni Tili ng “Mom, cut my hair.” Ang ending ng tsikahan nila, nag-apir silang dalawa.

Samantala, gagawin pala ni Direk Erik Matti ang Buy Bust 2 at for sure, si Anne pa rin ang lead female actress. Si Gerald Anderson daw ang kanyang makakasama at first time na hindi mali-link si Gerald sa kanyang kapareha dahil pamilyado si Anne.

Jasmine, ‘di nakatulog sa sundance filmfest

Pinost ni Jasmine Curtis Smith sa Twitter account niya ang review sa entry ng Pilipinas sa Sundance Film Festival na In My Mother’s Skin. Ang gaganda ng review tulad ng “frightening,” “gory,” “grotesque,” “creepy,” “disturbing,” “dark” at marami pang dark adjectives na ginamit ng mga nag-review.

Sina Jasmine at Beauty Gonzalez ang tampok sa pelikula sa direction ni Kenneth Dagatan at dumalo silang tatlo sa Sundance Film Festival. Sa napanood naming IG story ng isang netizen, makikitang pinagkakaguluhan si Jasmine ng fans.

Sabi ni Jasmine, “Di makatulog. In disbelief that we really just premiered at Sundance.”

Sold out daw ang premiere screening ng movie at lahat yata ng mga nakapanood, nagsulat ng review.

Kasama rin sa cast ng movie sina Felicity Kyle Napuli, James Mavie Estrella at Angeli Bayani.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with