^

Pang Movies

Gil at Lexi, ‘di na naglilihim

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gil at Lexi, �di na naglilihim
Lexi at Gil

“Hindi na nanliligaw si Gil dahil kami na,” natatawang sagot ni Kapuso actress Lexi Gonzales, sa tanong kung totoong nanliligaw si Gil Cuerva, ang leading man niya sa kanilang GMA Network Afternoon prime series na Underage.

Unang nagkasama ang StarStruck 7 first runner-up at Gil sa Love You Stranger na pinagbidahan ng mag-sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, kaya madalas nga silang nakikitang foursome dating noong nagti-taping sila.

“Mabait at gentleman si Gil,” sabi ni Lexi. “Ipapa-feel niya na you’re important at ‘yung care niya, nandoon. We’re happy working together sa aming series ngayon, he’s very supportive, gina-guide niya ako lalo kapag mabigat ang aming mga eksena. He’s smart and takes the extra effort to guide me kasi, I’m young. (Lexi is 22, Gil is 27) He is someone I can really rely on.”

Na-meet na ni Lexi ang family ni Gil, nang mag-attend siya ng family reunion nila, na-meet na rin ni Gil ang mommy nito, but not her father.

Esports Cup ni Alden, uumpisahan na

Bukas na, Jan. 28, ang Myriad Esports Cup Grand Finals, na produced ni Alden Richards. Gaganapin ito sa Ynares Sports Center sa Shaw Blvd., Pasig City. Gates will open at 10 a.m., at mapapanood naman ito sa Facebook Page ng Myriad Esports Cup at 7 p.m.

Direk Lino, wish makatrabaho ang mga unang starstruck

Ngayong open nang mag-collaborate ang producers and networks sa mga projects na gusto nilang gawin para sa mga artistang gusto nila sa movie or teleseryes, matupad na kaya ang wish ni Director Lino Cayetano na magawa niya ang reunion project na gusto niyang gawin sa mga winner ng first StarStruck na pinanalunan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras with Dion Ignacio, Cristine Reyes, Rainier Castillo, Sheena Halili at iba pa. Si Direk Lino kasi ang first director ng StarStruck noong nasa GMA Network pa siya. Ngayon, balik na siya sa pagdidirek at may sarili na siyang production company, ang Rein Entertainment at pwede na siyang makipag-collabo­rate sa GMA.

“I’m very proud kasi sa kanila, lahat sila nagkaroon ng pangalan sa industry,” sabi ni Direk Lino. “Kaya sana payagan sila ng GMA na gumawa ng project sa akin.”

May collab na ngang gagawin ang GMA Network at ABS-CBN, na magtatampok kina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia, sa isang teleserye, na kukunan sa Switzerland.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with