^

Pang Movies

Mukha at katawan tadtad ng pasa at pantal... Kris, ‘di pa rin nauumpisahan ang pagpapagamot sa Amerika!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mukha at katawan tadtad ng pasa at pantal... Kris, �di pa rin nauumpisahan ang pagpapagamot sa Amerika!
Kris

Maraming na-emo sa post ni Kris Aquino kahapon. Nasa Amerika pa rin siya at ipinakita niya sa nasabing video post ang mga pantal at pasa sa kanyang mukha at katawan.

Grabe nakakaawa.

Parang nahihirapan siyang kumilos at talagang ang payat na niya base sa mga photo na ipinakita niya na may background music Scars in Heaven.

Talagang mapapadasal ka, kahit hindi kayo close.

Ang haba ng nasabing video parang more than 10 minutes yata ‘yun.

Pero ending ay pinakita naman niyang may mga kasama na sila, ganundin ang pamamasyal nina Joshua and Bimby at masaya ang mga anak.

Wala rin siyang sinabi kung kelan sila uuwi ng Pilipinas.

Sa bandang dulo ay may sulat si Kris sa kanyang mommy, si former president Cory Aquino na 90 years old na sana kahapon. Narito ang ilang bahagi ng sulat niya : “Dear Mom,  Happy 90th birthday in heaven... I prayed about my decision on whether to show everyone what it’s been like- because you never wanted anybody to know how difficult it was for you.

“Mom, naawa na ko kay Ate, because it’s so hard for her to explain why i’m still here & why my treatment hasn’t started. And i also wanted to show those who have been so kind to me, kuya Josh, and bimb that this is what they have been praying about... it’s from you i learned to always remember to say THANK YOU and be grateful...

“Mom, i waited this long because i really wanted to be seen by Dr. Gupta. (No, he’s not the CNN doctor, that would be Dr. Sanjay Gupta, a neurosurgeon.) We did our research and he has had many studies & papers published. And his fields of expertise are primary immunodeficiency, allergies, and autoimmune cases that are hard to define.

“But on your birthday here we’re going to the “Happiest Place on Earth”- my promise for kuya timed for your birthday. i really pray kayanin ko, even just 5 rides so kuya will have happy memories during this whole ordeal. It’s because of the example you set that even when my deep bone pain is awful or my vascular urticaria is everywhere- i don’t complain- i want kuya & bimb to see they are worth all the pain & discomfort because i know they still need me.”

Vin at Sophie, may wedding pictorial na

Kasal na rin sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Ginanap ang kasalan kahapon base sa kanilang post pero walang detalye. “I have found the one whom my soul loves -Songs of Solomon 3:4,” caption ni Sophie sa kanilang wedding photos.

Meron na silang isang anak, si Avianna.

Though parang pictorial lang yata ‘yun dahil nag-comment si Gideon Hermosa, international floral & event designer ng “Yeyyyyyy! Congratulations:))) Can’t wait for then main wedding very soon! ”

Wala rin kasing tao sa nasabing pictorial nila.

Anyway, kung pictorial man ‘yun o church rites, ang mga nega may hanash agad na ‘maghihiwalay din ‘yan.’

Maggie, mabigat ang bagong akusasyon sa mister

‘Word war’ na ang labanan.

May panibong pasabog nga ang dating beauty queen / actress na si Maggie Wilson laban sa dating asawa niyang bilyonaryong si Victor Consunji.

Mahaba ang post nito na diumano’y may budget ang dati niyang asawa para gumanda ang image nito.

 “Never believe anything you read unless it comes directly from the source.”

Talagang tinalo pa nila ang mga teleserye dahil pulos pasabog ang mga pangyayari base sa kani-kanilang mga pahayag.

Paghihiganti ni Janine, trending sa social media

Mainit na pinag-usapan sa social media ang mga eksena sa Dirty Linen ng ABS-CBN matapos makakuha ang pilot episode nito ng iba’t ibang trending topics kabilang na ang official hashtag na #DLMissing4 na nakakuha ng higit 40,000 tweets.

Tinutukan ng mga manonood kung paano nalamon sa galit at nangakong maghihiganti si Alexa (Janine Gutierrez) laban sa pamilya Fiero matapos mapatay ng makapangyarihang pamilya ang nanay niyang si Olivia (Dolly de Leon), kabilang din ang tatlo pang kasambahay.

Inulan ng iba’t ibang papuri ang serye partikular na ang mga makapigil-hiningang mga eksena, musical scoring, at ang mahusay na pagganap ng mga bidang sina Janine, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Angel Aquino, John Arcilla, Janice de Belen, Epy Quizon, at Tessie Tomas.

 Trending sa Twitter Philippines ang #DirtyLinen, #DLMissing4, Francine as Chiara Fiero, Seth Fedelin, Nico Sinag, Dolly de Leon, Angel Aquino, at #JanineGutierrez at inaabangan na ng netizens ang mga susunod pang matitinding komprontasyon.

Actually, napanood ko na ito sa advance screening at talagang ang husay nilang lahat. Roller coaster ang pagdadaanan mong emosyon sa panonood.

Aside from Janine, ang galing din sa mga naunang eksena ni Jennica Garcia. 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with