^

Pang Movies

Mga political film, nagpapakakontrobersyal para kumita?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Walang masama sa political films, in fact isa sa naging paborito naming pelikula at ilang ulit naming pinanood ay iyong Gandhi. Paulit-ulit din naming napanood ang The Last Emperor ni Bernardo Bertolucci, na tungkol kay Puyi. Isa pang pelikulang hindi namin makalimutan ay iyong Nicholas and Alexandra, na tungkol sa last star ng Russia at ang katapusan ng pamilyang Romanov. Lahat naman kasi iyan ay magagandang pelikula.

Dito sa Pilipinas, ginawa rin ang pelikula na political tool. Naging masuwerte at matagumpay ang dalawang pelikula noon tungkol kay Ferdinand Marcos, iyong Iginuhit ng Tadhana at Pinagbuklod ng Langit.

Hindi rin maikakaila na ang highest grossing film noong 2022 na sinasabing kumita ng P400 milyon sa kabila ng pandemya ay iyong Maid in Malacañang, na isa ring Marcos movie, pero hindi namin napanood.

Ok lang ang mga ganyan, maliban lang doon sa mga mapagsamantalang pelikula. Gumagawa ng pelikula na may political color na ang hangad lang naman ay mabola ang political supporters para mapagkakitaan nila.

Mahahalata mo, alam mong mga mumurahing pelikula lang. Walang mga sikat na artista. Dinadaan lang sa mga pakontrobersiyal na usapan sa social media para makabola. Iyan ang hindi namin gusto. Bakit hindi isang matinong pelikula na base sa totoong kasaysayan ang gawin? Bakit puro mga haka-hakang kuwento lang?

Iyan din ang dahilan kung bakit hindi iyan kumikita. Aminin na natin, wala namang tumatagal na playdate sa sinehan ang mga ganyang pelikula, na karamihan nailalabas lang sa pamamagitan ng block screening. Binibili nila ang lahat ng tickets sa isang sinehan para sa isang screening, tapos ibinebenta nila iyon sa mga nabobola nila. “Matagal na nilang raket iyan, hindi lang sa pelikula,” sabi ng isang kakilala namin. Totoo ba?

KC, ayaw magmadali sa pakikipagrelasyon

Pinag-uusapan na naman nila, may bago raw boyfriend si KC Concepcion, isang Fil-Swiss national daw iyon na ang pangalan ay Steve Michael Wuethrich. Eh ano nga ba ang issue roon? Maganda si KC at natural lang na may manligaw sa kanya. Nasa tamang edad na naman siya para magkaroon ng boyfriend, o kahit na sabihin pang mag-asawa na.

Marami na rin namang natsismis na boyfriend ni KC. Sina Piolo Pascual, Paulo Avelino, Apl de Ap, at kung sinu-sinong iba pa.

Ang mahalaga nakikita natin kung gaano siya ka-responsible. Sinisiguro niyang mabuti ang kanyang damdamin at ang kanyang magiging buhay, hindi kagaya ng iba, magkakasyota, magpapakasal tapos hiwalay naman.

Si KC, kung hindi man nagpapakasal pa, dahil hindi pa siya sigurado. Pinag-aaralan niya ang lahat bago niya pasukin. Ganyan ang isang batang responsible sa kanyang sarili.

Mga look-alike ng mga artista, ginagawang prosti sa high-end spa!

May nasagap na naman kaming tsismis. Mayroon daw isang “medyo high-end” na spa, na may mga look-alike ng mga sikat na artista, at ipinambobola nila iyon sa clients, lalo na foreigners na “star trippers.” Mayroon naman daw mga totoong starlet na lumalabas sa mga indie at BL movies na “pumapasada sa spa” na naroroon din.

Maliwanag na ang negosyo ay hindi “wellness” kundi prostitution. Mahuli sana kayo.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with