^

Pang Movies

Sunshine, nanghingi ng tawad sa mga nadamay sa kanyang blind item na scammer!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sunshine, nanghingi ng tawad sa mga nadamay sa kanyang blind item na scammer!
Sunshine Dizon

Binura nang lahat ni Sunshine Dizon ang posts niya tungkol sa blind item na scammer at humingi ng dispensa sa mga taong nadamay.

“I apologize to everyone affected by my previous posts. This person needed a harsh wake up call,” simula ni Sunshine sa kanyang post.

“Moving forward, I hope that it’s not too late for him to change his ways and that his children can find it in their hearts to forgive him once more,” patuloy ng Kapuso actress.

Nilinaw rin ni Shine na hindi ang ex-husband niyang si Timothy Tan ang kanyang tinutukoy dahil disenteng tao raw ang ama ng kanyang mga anak.

“I also want my ex husband’s name cleared. The post was never about him. Timothy, inspite of our differences was and will always be a decent father,” paglilinaw ni Shine.

Ang post na ito ay deleted na rin ngayon.

Nauna rito ay nag-post si Sunshine ng sunud-sunod na babala sa kanyang followers tungkol sa isang scammer na hindi niya pinangalanan kung sino. Bukod dito ay ibinulgar niyang may sex video rin daw ang taong ito sa iba’t ibang babae.

Dahil nga blind item ay kanya-kanyang hula ang netizens at nagbigay ng mga pangalan.

Para maiwasan pang may madamay na ibang tao ay binura na lang ng aktres ang kanyang posts.

Heart, ipinag-shopping ng tatay

Kahit may sarili nang pera si Heart Evangelista ay ipinagsa-shopping pa rin pala siya ng kanyang amang si Rey Ongpauco.

Ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram ang pagpunta nilang mag-ama sa sosyal na Versace store at ibinili siya nito ng damit at sapatos na parang bata.

Sa video na ibinahagi ni Heart ay makikita ngang ang saya-saya rin ng ama niya na ipag-shopping siya.

In her past interview ay nabanggit na ni Heart na ang kanyang ama talaga ang shopaholic sa kanilang pamilya at mahilig daw talaga itong ipag-shopping sila.

Ang Versace ang isa sa favorite brands ng kanyang ama along with Louis Vuitton, Lanvin, Hugo Boss, Dior and Ralph Lauren.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with