^

Pang Movies

Sunshine, nagpasalamat kina Cesar at bagong asawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sunshine, nagpasalamat kina Cesar at bagong asawa

Sama-sama silang nagbakasyon sa Bohol at sama-sama sa isang dinner na ipinagpasalamat ni Sunshine.

“Cesar and Kath, thanks for hosting tonight’s dinner. The girls and I had a wonderful time chatting and catching up with all of you. We’ve missed Bohol and masaya kami na nakasama namin kayo dito sa New Year celebration.”

  Ang saya rin ng comment ni Teresa na “Wow! Happy New Year everyone!! God

Bless!” at ang comment ni Geneva Cruz na “Love this! Happy New Year!!”

Pati ang followers ni Sunshine humanga sa kanya, wala raw siyang bitterness, lalo na kay Kath.

Ang paliwanag kung bakit walang bitterness si Sunshine kay Kath ay dahil daw hindi naman si Kath ang rason nang paghihiwalay nina Sunshine at Cesar kundi ibang babae. Saka, nakapag-move on na raw si Sunshine kaya tanggap na niyang masaya si Cesar sa piling ni Kath at mga anak nila.

Pati followers niya sa social media, pinasalamatan ni Sunshine. “Thank you guys for the wonderful messages/comments. We appreciate it. Our family chose forgiveness and we are finally co parenting. I guess not a lot of people will understand but this is our family and whatever works and makes the children happy, dun kami. Para sa mga anak. Cesar is blessed to have someone like Kath. Beautiful in and out. She accepted and loved my kids and I appreciate her so much. Hapy New Year guys! Focus tayo sa positivity. Masarap po mabuhay ng may pagpapatawad at pagmamahal sa puso.”

Ikinumpara si Sunshine kay Regine Velasquez na tanggap at mahal ang mga anak ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren. Ganito raw dapat, tanggapin ang blended family and make it works!

Ate Vi, kinabog ang mga pamangkin sa sayawan

May napanood kaming reels ni Vilma Santos na sumasayaw kasama ang mga mas bata sa kanya at pinatunayan nitong siya ang Dancing Queen dahil hindi siya nagpatalo sa pag-indak sa mga kasama.

Sabi ni Vilma, mga pamangkin niya ang mga kasama niya sa pagsayaw at may caption na Dancing into the new year with my pamangkins.

Dahil totoo, hindi ma-o-offend ang mga pamangkin ni Vilma sa mga comment na mas magaling pa rin ang tita nila sa kanila. May nag-comment pang dinaig ang millennials ni Vilma.

May mga comment pa na mabuti pa si Vilma “Aging gracefully and still rocking” at “Grabe hindi tumatanda si ate Vi... ganda at sexy pa din..”

 Anyway, malapit nang magsilang si Jessy Mendiola ng panganay nila ni Luis Manzano at dahil first time lola, kasing excited si Vilma nina Luis at Jessy.

Photo OP nina Heart at Chiz, maraming nakisawsaw

‘Kaloka ang pag-a-analyze ng isang netizen sa picture nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista na nakaupo si Chiz at nakatayo si Heart at magka-holding hands ang dalawa.

“Independent woman- as she calls herself with emphasis: this photo is the perfect example  (Chiz naka extend ang kamay sa dalawang minamahal na binibini, habang  si Heart naman ay nakahawak sa kanyang minamahal na bag) ito ay obserbasyon ko lamang base sa larawan.”

May nag-comment pang si Chiz lang ang masaya sa larawan dahil si Heart ay seryoso. Lumalabas daw na parang photo op lang ang larawan ng mag-asawa. Pero, mas marami ang natuwa na makita ang photos nina Heart at Chiz pati ‘yung kasama ang mga anak ni Chiz na ngayon lang uli nakita ng karamihan sa atin.

Ang inaabangan ngayon ng mga nagmamahal kina Heart at Chiz ay kung kailan isasama ni Heart si Chiz sa Paris para makita ang kanyang nabiling apartment doon.

Ang sayang tingnan na sama-sama ang mga anak ni Cesar Montano sa tatlong babae noong Kapaskuhan sa Bohol. Ang nakita lang namin ay ang mga anak nina Cesar at Sunshine Cruz, anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga (si Diego Loyzaga) at mga anak ngayon kay Kath Angeles.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with