^

Pang Movies

Heart, nilinaw ang pagtira sa Paris  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart, nilinaw ang pagtira sa Paris                 
Heart

Nilinaw ni Heart Evangelista na wala naman siyang balak mag-migrate sa ibang bansa tulad ng mga napapabalita lately.

Matatandaan kasing kumuha na nga ng apartment si Heart sa Paris at nitong mga nakaraang buwan ay talagang mas madalas pa ang pananatili niya sa nasabing bansa kaysa sa Pilipinas.

Kaya ang ispekulasyon ng marami, sa Paris na siya titira lalo pa nga’t may balitang hiwalay na talaga sila ng mister na si Chiz Escudero.

Kasalukuyang naririto sa Pilipinas si Heart at na-interview siya ng GMA 7 sa isang event. Dito nilinaw ng aktres ang tungkol sa issue.

“No, I just really like to invest on properties. I’m always there so, imbes na mag-hotel, at least meron akong sariling lugar,” pahayag ni Heart.

Sunud-sunod daw kasi ang dinaluhang fashion show ni Heart these last few months sa Milan, Italy and France kaya matagal siyang nawala sa bansa.

Aminado ang aktres na second home na niya ang Paris pero Pilipinas pa rin daw ang kanyang home base.

Sa kanyang pananatili sa Paris nang solo ay marami nga raw siyang nadiskubre at natutunan.

“Grocery, cooking, lahat. Late bloomer? Kahit nahihirapan kang maglaba, maganda naman ‘yung background, nakagagaan ng feeling,” she said.

Sa ngayon ay excited na raw siya for 2023 lalo pa nga’t magdiriwang daw siya ng kanyang 38th birthday on Feb. 14.

“I turn 38 this February, and then it’s gonna be my lucky number - 8. And you need to really celebrate 8 and isabay mo siya sa lahat ng good happenings in life,” saad ni Heart.

Ngayong Disyembre ay nakatakdang bumalik ulit sa Paris si Heart.

KathNiel, nagpakilig sa ‘Bye Lover’

Super-kilig ang mga KathNiel fans sa lumabas na video kung saan ay makikitang hinahatid ni Daniel Padilla ang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa airport.

Si Kathryn mismo ang nag-post ng video last Thursday sa kanyang Instagram page. Makikita rito ang paghahatid sa kanya ni Daniel at ang pamamaalam niya sa boyfriend bago siya tumulak patungong Thailand kasama ang inang si Min Bernardo.

May work si Kathryn sa Thailand base na rin sa kanyang caption na “work and play.”

Makikita sa video na nagpapaalaman sila ni Daniel sa Ninoy Aquino International Airport.

Sey ni Kathryn, “bye lover.”

Sagot naman ni Daniel, “ingat” sabay-kaway.

Nag-post din si Mommy Min ng video na makikitang hinahatid sila ni Daniel sa airport. Caption niya, “may paghahatid.”

Komento ng isang netizen, “Stay safe, team Kathryn! At kinilig naman ako dun sa “bye lover!”

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with