^

Pang Movies

Darna, wagi laban kina Dr. Ibarra, Luna at Fake Darna

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa matitinding laban na itatampok sa Mars Ravelo’s Darna ngayong Disyembre, nagbabalik-tanaw ang programa sa ilan sa bigating fight scenes na talaga namang nagpabilib sa mga manonood.

Narito ang ilang eksena na nagpapatunay na si Darna (Jane de Leon) ang ultimate Pinay superhero.

Kahit pa taglay na ng magaling na scientist na si Dr. Florentino Ibarra (Lito Pimentel) ang pinagsama-samang superpowers ng mga Extra, bigo siyang talunin ang paboritong superhero ng Nueva Esperanza na si Darna sa Dec. 2 episode ng programa.

Mabuti rin at nariyan si Dr. Rolando Villalobos o Lolo Rolando na tumulong kay Darna. Ano kayang mangyayari ngayon sa rehabilitation facility ng Extras ngayong si Lolo Rolando na ang mamumuno rito bilang head scientist?

Nabihag ng Martean warrior na si Luna (Kira Balinger) ang puso ng mga tao sa siyudad, kasama na ang kapwa EMT ni Narda na si Richard (LA Santos). Pero bago ito nangyari, sinubukan munang talunin ni Luna si Darna sa isang trending fight scene.

Ipinakita sa kanilang paghaharap ang epic battle ng dalawang mandirigma na parehong inihanda ng First Darna (Iza Calzado). Kinalaunan, nakuha rin ni Darna ang suporta ni Luna bilang protektor ng bato.

Bigo muli ang shapeshifter si General Borgo (Richard Quan) na pabagsakin si Darna kahit pa nagpanggap siyang maging Darna mismo. Matapang siyang hinarap ng tunay na Darna at agad din siyang umatras sa laban dahil malinaw na wala siyang abilidad na talunin ito.

Bukod sa galing ni Darna, naibida rin sa Nob. 28 episode ng programa ang talento ni Jane sa aktingan bilang kontrabida sa papel ng fake Darna.

Samantala, habang patuloy si Darna sa pagtatanggol sa mga tao ng Nueva Esperanza, palakas naman nang palakas si Valentina (Janella Salvador) dahil na rin sa matinding pag-uudyok ni Borgo. Matalo na kaya niya si Darna sa susunod nilang paghaharap?

Abangan ito sa mga susunod na episode ng Darna, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.

vuukle comment

DARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with