^

Pang Movies

Jinkee, nakipag-bonding ulit kay Ji Chang-Wook

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Napa-sana ol ang netizens sa post nina Manny and Jinkee Pacquiao habang nasa South Korea.

Naka-dinner at naka-bonding kasi nila roon ang kibabaliwang Korean drama actor ng mga Pinoy na kamakailan lang ay nasa bansa para sa isang fan meeting, si Ji Chang-wook.

At andun din si Mommy Dionisia at kakambal ni Jinkee na si Janet sa nasabing dinner.

Makakalaban ng Pambansang Kamao sa gaganaping exhibition fight ang Korean mixed martial artist na si DK Yoo sa Disyembre 11 na gaganapin sa Korea International Exhibition Center (KINTEX) kaya nasa South Korea ang Team Pacquiao.

Ang mga kikitain daw mula sa laban ay ido-donate para tumulong sa mga relief at recovery efforts sa Ukraine.

Pumasyal din ang grupo nina Manny sa Itaewon. “Had the honor to visit Itaewon and show my respect to the 158 lives that were lost on October 29 here in South Korea,” post ng Pambansang Kamao.

Anyway, ang sabi, maraming Korean celebrity na manonood ng exhibition game ni Manny and DK Yoo at kabilang daw dun ang dalawang member ng BTS.

Nandun din si Arci Muñoz na kasama ang bagong boyfriend.

Si Seth Shannon Jamora ang BF ngayon ni Arci na kamag-anak pala ni Jinkee.

‘Yun pala ang konek kaya kasama sa tropa ni Manny si Arci.

Anyway, ‘di ito ang first time na nag-hangout sina Manny at Jinkee with Ji-Chang-wook.

Ecoproject school tour year 2 umarangkada na

Sa pag arangkada ng EcoProject Year 2: Kilos Kabataan Para sa Kapaligiran, kasama ang Breeze, mahigit 25 tonelada ng plastic waste ang nakolekta ng 40,829 students mula SDO Taguig City at Pateros na gagamitin para iupcycle at gawing mga gamit sa bahay.

“Malaki ang nakita naming resulta ng EcoProject noon, kaya naman naisip namin na palawakin ang programang ito at mag ikot pa sa maraming eskwelahan sa Taguig City at Pateros. Naniniwala kami na sa tulong ng mga estudyante marami pa ang mamumulat na protektahan ang kalikasan” pahayag ng KCFI president at executive director Rina Lopez.

Nakiisa ang mga estudyante at guro sa iba’t-ibang mga programa katulad ng mga seminars mula sa mga eksperto, pagsagot sa mga trivia quizzes ng “Knowledge on The Go” patungkol sa kalikasan, epekto ng polusyon at paggawa ng mga recycled EcoPlanters mula sa basura.

Layunin ng Eco Project na mas mapalalim ang kaalaman ng mga kabataan sa pagprotekta ng kapaligiran kaya binigyan ang mga Grade 3 students ng  EcoDiaries na magagamit nila sa pag-record ng kanilang mga natutunan sa pag-alaga ng kalikasan.

Nakatanggap din ang mga guro ng Knowledge Channel Portable Media Library kung saan

JINKEE PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with