^

Pang Movies

Alden, ‘di nakakalimot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden, âdi nakakalimot
Alden

Siguro alam ni Alden Richards na hanggang ngayon buhay pa ang orchids na binigay niyang regalo last year sa akin.

Kaya ang ganda na naman ng mga orchids plant na pinadala niya this Christmas.

Mukha talagang mamahalin. Hahaha.

Talagang bongga sila ng super trusted kanang-kamay niyang si Mama Tenten na alam na alam ang mga regalo na dapat ibigay sa bawat malapit sa kanila sa showbiz.

Iba-ibang items na talagang magugustuhan ng bawat pagbibigyan.

Maganda ang ginagawang ito ni Alden na talagang nakakaalala sa mga taong mahal niya at nakakatulong sa kanya.

Alam din ng kanyang team na mag-share kaya naman hindi sila nilalayuan ng suwerte.

Hindi gaya ng ibang artista na wala lang, ok na magdaan ang anumang okasyon.

Basta para sa kanila, ok lang na dumaraan ang araw na hindi man lang nagbigay ng anuman bilang sign ng pasasalamat o pag-alala sa mga tao na nakasama nila.

Dito naiba si Alden. Talagang hindi niya nakalimutan mga tao na nasa circle ng showbiz na nakilala niya.

For that, saludo kami sa iyo at sa iyong team.

Ganyan dapat actually ang mga artista. Dapat may pakikisama at nakakaalala.

Kaya’t siya ang dapat tularan ‘wag ang mga maldita sa showbiz na feeling mga superstar na dapat sambahin.

Bongga, Alden.

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with