^

Pang Movies

Alexa Ilacad, sinagot si Tuesday!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alexa Ilacad, sinagot si Tuesday!
Alexa

Ang feeling ng mga nakabasa ng Instagram post ni Alexa Ilacad na “Kung may problema ka sa akin, GRABE!! Ang ganda naman ng problema mo, char” ay sagot niya ito sa inilabas ni Tuesday Vargas na pangde-deadma nila ng ka-love team niyang si KD Estrada kay Tuesday.

Hndi lahat natuwa sa post ni Alexa kahit may “char” sa dulo na ibig sabihin, nagbibiro lang siya.

Shading pa rin daw ang sarcastic post niya at comment ng iba, pinatunayan lang niya na may attitude siya.

Kung totoo ang mga comment na dahil na-disappoint sila sa attitude ni Alexa, marami ring fans niya ang bumitaw sa kanya.

Pinayuhan pa si Alexa na kahit hindi niya personal na kilala, basta mas matanda sa kanya, dapat nirerespeto niya at in-acknowledge.

Rhian at Bianca, nag-bonding sa Australia!

Binisita ni Rhian Ramos sa Sydney, Australia si Bianca King at ang asawa nitong si Ralph Wintle. Kasama naman ni Rhian sina Tim Yap at ang jowa nitong si Javi Martinez. Kita sa photos at video na pinost ni Rhian na nag-enjoy siya sa bakasyon at ang mabisita si Bianca.

Nagluto pa ang dalawa at makikita sa video na pagkatapos maghiwa ng ingredients ng kanilang niluluto, naghuhugas agad ng kamay sina Rhian at Bianca. Ang tanong pa nga ni Rhian ay “Does this happen to you?!” at marami ang guilty.

Marami pala ang nagluluto na sayang ang tubig dahil konting kibot, naghuhugas agad ng kamay. But in fairness, mukhang masarap ang niluto ng magkaibigan.

Masaya si Bianca sa pagbisita ni Rhian sa kanya, si Michelle Dee naman na housemate ni Rhian an nakaka-miss sa kanya. Ang cute lang na magkasama sa bahay ang magkaibigan at ang isang advantage, hindi sila mahihirapang hanapin ang bawat isa. May business kasi ang dalawa at dahil magkasama ng bahay, kahit sa breakfast, lunch o dinner, puwede silang mag-meeting.

Poklee, Tsugi na sa mga store app

Idinaan ni Pokwang sa Instagram ang babala sa nag-o-order online ng Poklee products dahil matagal nang wala sa Shopee at Lazada ang Poklee products niya.

“BABALA! Matagal na pong out sa Shopee at Lazada ang dating product na Poklee wag po kayong maniwala dahil ibang brand ang ipapadala sa inyo, pero ito pong @mamangpokwangs_gourmet ay legit pwede po kayong umorder sa IG at FB page ng @mamangpokwangs_gourmet again wala na pong Poklee ingat sa scamer!!!”

Wala na nga ang Poklee products dahil hiwalay na sina Pokwang at Lee O’Brien na ang pinagsama nilang pangalan.

ALEXA ILACAD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with