^

Pang Movies

Ibang Probinsyano, pasok sa Quiapo...!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kahit bago pa man nagtapos sa ere ang FPJ’s Ang Pro­binsyano ay makailang beses na rin namin nasulat at naibalita sa aming column dito sa PM na ang susunod na gagawing teleserye ng actor-director at producer na si Coco Martin ay isa namang FPJ material, ang 1986 classic hit movie nitong Batang Quiapo na pinagtambalan nila ng Diamond Queen na si Maricel Soriano at dinirek ng yumaong si Pablo Santiago, ama ng magkakapatid na Randy, Rowell at Raymart Santiago under Regal Films with Mother Lily Monteverde, Charo Santos at Malou Santos as executive producers.

At ito nga ang next TV adaptation ni Coco with FPJ’s biological daughter Lovi Poe as his leading-lady playing the role of Maria.

Sa mga lumang characters ng FPJ’s Ang Probinsyano ay muling isinama ni Coco sa Quiapo...sina Sen. Lito ‘Pinuno’ Lapid, anak nitong si Mark Lapid, John Estrada,  Tommy Abuel at Charo Santos na nagkaroon ng special guest appearance sa nasabing serye na tumagal sa ere ng pitong taon, making it the longest-running action-drama series.

Bukod kay Lovi Poe, tampok din sa bagong sisimulang action-drama series sina Christopher de Leon, Cherry Pie Picache, Pen Medina, Ping Medina, Susan Africa, Ronwaldo Reyes, Mercedes Cabral, Allan Paule at iba pa.  Ito’y magkatulong pa ring pamamahalaan nina Coco at Malu Sevilla.

Ang nasabing serye ay inaasahang magsisimula sa unang quarter ng 2023 kaya hindi rin ganoon kahaba ang pahinga ni Coco na nakagawa pa ng pang-Metro Manila Film Festival movie, ang Labyu with an Accent.

Jeric, alaga ang 18 na anak

Hindi ikinakaila ng dating OctoArts action star na si Jeric Raval na may 18 siyang anak sa magkakaibang babae pero ang maganda, lahat ay close sa kanya pati na rin ang mga ina ng kanyang mga anak.

He also makes it a point na magkaka-close ang kanyang mga anak kahit nagmula sila sa iba’t ibang ina at sa kanilang step mom.

Nasa bansa ngayon ang kanyang 22-year-old Japan-based daughter na si Noriko Raval (screen name) dahil Buensoceso ang tunay na apelyido ni Jeric.

Dahil sa Japan lumaki si Noriko, hindi ito marunong mag-Tagalog dahil Japanese ang natural language nito pero marunong siyang mag-Ingles.

Kailangan pang i-brush up ni Noriko ang pagsasalita ng Tagalog ngayong gusto rin niyang sundan ang yapak ng kanyang ama maging ng kanyang half-sister na si AJ Raval.

There is a big possibility na sa Viva rin mapunta si Noriko dahil ito ang management studio nina Jeric at anak na si AJ.

Tulad ni AJ, willing din si Noriko na magpa-sexy sa pelikula.

Speaking of Noriko, introducing siya sa pelikulang Lanao: The Marcos Mamay Story mula sa panulat at direksiyon ng seasoned writer-director na si Neal `Buboy’ Tan.

Bukod kina Jeric Raval at Patricia Javier, tampok din sa nasabing pelikula sina Polo Ravales, Ali Forbes, Kelvin Miranda, Julio Diaz, Alvin Fortuna, Baby Go at marami pang iba.

Si Marcos Mamay ay siyang mayor ng Nunungan, Lanao del Norte. Pumayag siyang isapelikula ang kanyang buhay para mapagkunan ng leksyon at inspirasyon ng mga manonood.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with