^

Pang Movies

Jeffrey, BFF lang si Geneva   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jeffrey, BFF lang si Geneva            
Jeffrey

Pansamantala na bang iniwan ni Jeffrey Hidalgo ang pag-awit na sinimulan niya noong 1989, bilang isa sa bumuo ng group na itinatag ni Maestro Ryan Cayabyab, ang Smokey Mountain?

 Ngayon kasi, busy na si Jeffrey bilang isang director at una niyang dinirek sina Piolo Pascual at Rhian Ramos sa Silong in 2015.  Nasundan na ito ng pagdidirek niya for Vivamax, with Eva ni Angeli Khang and Lampas Langit with Christine Bernas and Ricky Davao.  Dito ay nanalo si Direk Jeffrey ng Best Director Award sa International Filmfest Manhattan. 

Sa TV, naidirek niya ang Inday Will Always Love You at TODA One I Love sa GMA Network.

Naging TV actor din siya sa soaps like Kadenang Bulaklak, Pangako sa ‘Yo at ang latest serye niya, ang Flower of Evil.

Kasabay din ito ng pagiging actor niya sa Viva Films, isa na rito ang coming Viva Metro Manila Filmfest horror entry, ang Deleter, at ito ang biggest movie role niya.

Ang ‘deleter’ daw ay basically editors, their job is to delete scenes from video content submitted to them that might offend viewers, like bloopers or shots with wrong angles. 

A techno-horror film and a mysterious death occurs in the story and that’s how all the scary scenes begin.

Kumusta naman sila ni Geneva Cruz, na kasama niya noon sa Smokey Mountain?

“We have remained good friends since then, Noong mga teenagers pa kami, nanligaw ako sa kanya pero binasted niya ako.  We’re very comfortable with each other pa rin ngayon and we love Boracay kaya lagi kaming may beach photos together in her Instagram account. That’s all.”

pahulaan pa...

Nahuhulaan na ba ninyo kung sino ang aabangang showbiz icon na may homecoming na very soon sa GMA Network? Ang tanong sa lumabas na teaser: “Handa na ba ang lahat para sa homecoming ng isang Showbiz Icon? Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming very soon!”

Iba-iba ang hula ng mga netizens.

Urduja, gagawing kakaiba

Excited din ang mga netizen na gusto nang mapanood ang upcoming 2023 ‘mega serye’ ng GMA na Urduja Files hindi lamang dahil bigatin ang bumubuo sa cast na ipinakita sa video during the story conference. 

Nagulat sila dahil ang tatlong lead actresses ay iba-iba ang characters na gagampanan.

Si Kylie Padilla ay gaganap na isang pulis, si Sanya Lopez naman ay ang legendary Princess Urduja at si Gabbi Garcia ay isang jeweller at may konting drama ang kanyang story.

“Ito ay may drama, love story, historical din at fantasy, at halos action. Pwede rin itong pambata, matanda, mommy, daddy, buong pamilya, talagang magkakasundo kapag pinanood ito,” banggit ni Sanya.

Balita ring ngayong December na nila sisimulan ang taping na magtatampok din sa mga Kapuso hunk actors, at si Zoren Legaspi.

JEFFREY HIDALGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with