^

Pang Movies

Sarah G, balik-’ASAP Natin ‘To’ stage

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy ang dagsa ng maaagang pamasko mula sa Kapamilya stars, tampok ang bigating performances mula kina Sarah G, Regine, Anne, Coco at Jodi, ngayong Linggo (Dis. 11) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Yup, nagbabalik sa ASAP ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa bagong edisyon ng Sarah G Specials. Matagal ding ‘di napanood sa programa si Sarah.

Hindi rin pahuhuli ang bonggang biritan nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at multimedia superstar Anne Curtis.

Dama rin ang kilig sa duet ng Labyu With an Accent stars na sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Makisayaw at karoling naman sa Christmas hits performances nina Erik Santos, Jolina Magdangal, Vina Morales, Nina, Maymay Entrata, Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Fana, Karina Bautista, Vivoree, Edward Barber, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, at ng buong ASAP family kasama sina Robi Domingo at Luis Manzano.

‘Yan ang marami pang iba ang mapapanood sa longest-running musical variety show sa bansa, ASAP Natin ‘To, ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with