^

Pang Movies

Dyaryo, marami pa ring pakinabang pagkatapos basahin!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Wow, 19 years old na pala ang Pang Masa (PM). Isang taon na lang, dalawang dekada na.

Grabe talaga ang panahon, hindi namamalayan, ganun-ganun lang, 19 years na pala.

Actually, walang nakahula noon na magtatagal ito lalo na nga at nagkaroon ng pandemya.

Pero na-underestimate nila ang tibay ng PM.

Good vibes na may halong nakakakiliting chika at kuwento ang laman ng aming dyaryo na patok sa masa lalo na sa malalayong probinsya.

At hindi na lang basta sa hard copy ito malakas, maging sa online.

Kaya salamuch sa patuloy na tumatangkilik at naniniwala sa PM.

Papatapos na ang pandemya pero ito at nakatayo pa kami.

Isa rin ang PM sa hindi nawalan ng hard copy noong pandemya.

Salamuch sa mga patuloy na naniniwala sa print media.

Salamuch sa aming publisher na si Sir Miguel Belmonte na hindi sumuko para magpatuloy ang Pang Masa sa paghahatid ng iba’t ibang kuwento ng totoong buhay.

Isang ebidensiya ang PM na hindi basta-basta kayang patumbahin ng social media ang print media.

Tanggap na natin ang katotohan na may pagbabago sa landscape ng pagbabalita pero hindi ito nangangahulugan na nawala na rin ang mga kababayan nating nagbabasa ng dyaryo na maraming puwedeng paggamitan pagkatapos basahin.

Isa pang anak ni Jeric Raval, magpapa-sexy na rin

Ah may isa pa palang anak si Jeric Raval sa isang Pinay na nakabase sa Japan, si Noriko Raval.

Twenty two years old si Noriko at nagbabalak ding mag-showbiz.

Isang influencer sa Japan si Noriko at ang mother niya ay nagta-trabaho sa airport.

Nagtapos siya ng fashion design sa Japan at dumating siya sa bansa a week ago.

Ito ang ika-third visit niya sa Pilipinas.

Tulad ni AJ Raval, sexy si Noriko na mas fluent siya sa Japanese. Though nakakapag-Tagalog pero hirap pa sa English.

At pleasant ang personality at papasa naman talagang artista.

Actually, kumbaga mas ‘fresh’ si Noriko at super sexy.

And she’s willing na tularan si AJ. Pero given a chance, gusto niyang mag-action like her father na mas kilalang action  star.

May 18 na anak si Jeric.

Nagkakilala na sila ni AJ matapos ang dinner get together na pinatawag ng aktor para sa kanyang mga anak.

Walang binanggit si Jeric kung ilang anak niya ang present sa nasabing get-together pero ang isa sa rebelasyon niya, 5 ang anak niya na 22-years, sa limang iba’t ibang babae. 

Pero ang bottomline, sinabi niyang masama palang ma­ging womanizer pagkatapos niyang magkaroon ng ganun karaming anak. “Kaya meron akong 5 limang anak na sabay-sabay na 22 years,” banggit ng aktor.

Anyway, si Jeric ang napiling gumanap sa buhay ni Marc Mamay Mayor of Nunungan, Lanao del Norte/LMP National Vice President, para sa filmbio ng pulitiko na Lanao.

Thai BL series, aapaw ang kilig

Umaapaw na aksyon at kilig ang hatid ng pinakabagong Thai boys’ love (BL) series na Never Let Me Go, na mapapanood nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC sa Disyembre 13 ng 9:30 PM (Manila time) kasabay ng airing nito sa Thailand.

Tampok sa romantic action drama ang tambalan ng Thai stars na sina Naravit Lertratkosum at Phuwin Tangsakyuen. Ipapalabas ang bagong episodes kada Martes sa original Thai language, habang available naman ang Filipino-dubbed episodes kada Biyernes ng 8:30 PM (Manila time) simula Disyembre 23.

 Susundan ng Never Let Me Go ang komplikadong buhay at samahan ni Neungdiao (Phuwin) kay Palm (Naravit), ang gwapo niyang bodyguard na unti-unting magpapatibok ng kanyang puso.

Galing sa isang mayaman na pamilya si Neungdiao dahil sa kanyang tatay na nagmamay-ari ng maraming negosyo. Ngunit isang trahedya ang sasapit sa kanilang pamilya nang patayin ang tatay ni Neungdiao.

Dahil dito, mabubulgar ang sikretong mga negosyo ng kanya ama, na hindi alam nina Neungdiao at nanay nitong si Tanya (Rasee Watcharapolme), dahil isa pala siyang lider ng mafia ng mga iligal na casino at drug trafficking ring.

Sa kabila ng pambu-bully kay Neungdiao sa eskwelahan dahil sa masamang reputasyon ng kanyang ama, mapipilitan si Tanya na ituloy ang mga iligal na negosyo ng kanyang asawa. Malalagay naman sa panganib ang kanilang buhay dahil sa kanilang mga kasosyo, kabilang dito si Supakit (Nat Sakdatorn), ang tito ni Neungdiao na gustong makialam sa kanilang negosyo.

Para protektahan ang kanilang pamilya, kukunin nila bilang bodyguard ni Neungdiao si Palm, ang anak ng matagal nang katiwala ng ama ni Neungdiao. Mangangako si Palm na gagawin niya ang lahat upang protektahan si Neungdiao sa kanilang mga kalaban at unti-unti na ring mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.

 Neungdiao atparati na lang nasa panganib ang kanilang buhay kapag magkasama sila?

JERIC RAVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with