^

Pang Movies

Vhong, mapapanood na agad sa Showtime?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Vhong, mapapanood na agad sa Showtime?!

Bandang alas-6 noong isang gabi, Martes, ay nasa labas na ng City Jail si Vhong Navarro.

Nakakangiti na ito kasama ang asawang si Tanya Bautista at mahusay niyang abogado na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Natapos ang proseso ng mga dokumento ng kanyang Order of Release mula sa Taguig Regional Trial Court sa jail warden matapos itong magbayad ng P1 million na piyansa.

Ang sabi ay nakitaan ng mga butas ang testimonya ni Deniece Cornejo kaya’t nakapag-piyansa si Vhong.

Hanggang 2024 na kailangang may-present ng ebidensya ang defense team.

Ngayong laya na si Vhong, mapanood na ulit kaya siya sa It’s Showtime?

Ang misis pa lang niyang si Tanya ang nagsasalita sa media habang sinusulat namin ito, pero si Vhong ay wala pang naging pahayag sa kanyang paglaya.

Julia, itsapwera sa Quiapo ni Coco

May pelikula na, may teleserye pa si Ms. Charo Santos.

Meron silang pelikula ni Dingdong Dantes na three years na raw plinano at ngayon ay kasama rin siya sa remake ng FPJ’s Batang Quiapo na pagbibidahan nina Coco Martin and Lovi Poe.

Kaya pala nabanggit ni Ms. Charo na gusto niya talagang umarte sa pelikula at teleserye pagkatapos ng Maalala Mo Kaya.

Sandaling nakausap ng entertainment media si Ate Charo sa Eddys Awards night kung saan siya tinanghal na Best Actress.

Anyway, nag-story conference na ang Batang Quiapo last Monday na before Christmas pala ay uumpisahan na ang taping.

Wala pa raw sa kanila ang script ayon sa isa sa mga cast pero may hinahanap ang netizens.

Anyare raw kay Julia Montes? Matagal nang may intriga na si Julia ang magiging partner ni Coco pero kumpirmado na hindi naman siya.

Kaya’t nabuhay na naman ang usapan na baka diumano’y may anak na talaga sila ni Coco na wala naman talaga sa hitsura ni Julia.

Anyway, ang Batang Quiapo nga ba ang papalit sa Darna?

Ivana, di tumataba kahit todo kain at walang exercise

Careful na careful si Ivana Alawi sa pakikisawsaw sa isyu o awayan ng kanyang mga colleague sa entertainment vlogging.

Bilang isa sa pinakasikat na vloggers/social media influencers, ayaw niyang basta-basta makisawsaw sa mga kontrobersya ngayon.

Wala mang pangalang nabanggit, sinagot pa rin si Ivana ang intriga tungkol dito sa launching niya bilang celebrity endorser ng super juice na MaxiJuice ng Maximum 88 Corporation.

Chika niya : “As much as possible, hindi talaga ako ‘yung magsasalita. And never akong sumawsaw sa any issue because I respect everyone. Ako, gusto ko tahimik lang and ‘yun, masaya lang ako sa life ko.”

Though open siya sa pakikipag-collab sa iba pang influencers at katunayan, marami na siyang nagawang collaborations sa mga ito.

Itinuturing pa rin ni Ivana na importanteng bahagi ng buhay niya ang vlogging. Kaya naman kahit busy na siya sa pag-aartista, wala raw siyang balak iwan ito. “Kasi very ano ako sa vlog, talagang kahit busy ako, naghahanap pa rin oras para makapag-vlog. Kasi importante pa rin sa akin ang viewers ko du’n. And masaya sila sa mga content, iba rin kasi ‘yung movie, iba ‘yung vlog. Kasi sa vlog, I get to be myself. Sa movie, kailangan magpu-portray ka ng ibang tao. And also, I love helping people and nagagawa ko siya throughout my vlog. So, tuluy-tuloy pa rin.”

Sa kasalukuyan ay happy si Ivana sa itinatakbo ng career niya lalo pa nga’t may upcoming Metro Manila Film Festival entry siya kasama si Vice Ganda.

Sunud-sunod din ang mga endorsement niya na ang latest nga ay itong Maxijuice.

Dalawang buwan daw muna itong sinubukan ni Ivana bago niya tinanggap ang alok.

Perfect daw ang organic drink na ito na merong buah merah, guyabano, acai-berry, barley, malunggay, wheat grass, mangosteen, inulin fiber at stevia para sa mga tulad niyang constipated.

Isa rin umano ang MaxiJuice sa mga rason kung bakit niya nami-maintain ang 32 1/2-23-33 niyang figure kahit na walang diet o exercise.

Yes ganun, tamad pa siyang mag-gym nung lagay na ‘yun pero ganun ang katawan niya.

Kwento ng aktres, parte na ito ng kanyang lifestyle at araw-araw niya itong tine-take tuwing breakfast.

Samantala, excited na ang Filipino-Moroccan star na mag-celebrate ng kanyang birthday sa Christmas Day.

“Puro eat and work lang ako sa birthday ko,” sabi niya sa kanyang plano.

At ang birthday wish niya “Sana matapos na itong pandemic para makabalik na tayo sa normal na buhay natin at maging masaya tayong lahat.”

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with