^

Pang Movies

Net25 tutulong na ibalik ang sigla ng TV industry

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Net25 tutulong na ibalik ang sigla ng TV industry
Lolit at Cesar

Alam mo Salve nag-enjoy talaga ako sa pasyal natin sa Net25 noong Lunes ng tanghali.

Ang bait kasi ng mga tao dun, at feeling at home tayo with Wilma Galvante, Atty. Dimples at Caesar Vallejos.

Talagang super entertain nila tayong mabuti, ang bait nila at talagang pinahanga tayo nina Pat-P Daza at Ali Sotto sa kanilang bagong tahanan.

Bongga ang programming ng Net25 na talagang ginawa na nilang competitive commercially pero iyon pa rin mga wholesome family shows ang target nila.

Imagine na may programa na sa kanila sina Vic Sotto, Pauleen Luna at Talitha, may show rin sa kanila si Tito Sotto na mag-uumpisa pa lang, ang Reality Check at Joey de Leon, Aga Muhlach at Robin Padilla.

Bongga ang line up nila, at talagang palaban sila kaya talagang abala si Wilma Galvante sa pagbuo pa ng maraming bagong programa.

At mukhang mas malalaki pa ang balak nilang mga programa dahil nandun at Eric Quizon bilang head ng kanilang talent arm.

Ang ganda ng studio nila, high tech ang mga equipment, at marami na silang manpower.

Sana nga maging active ang lahat, Net25 , All TV, Kapamilya channel at GMA7 para marami pa ang magkaroon ng trabaho. 

Bongga pag nagkataon.

Pero sana naman ay marami na ulit ang manood ng TV para ‘di masayang ang pagod ng mga network natin na talagang ginagawa ang lahat para buhayin ang television industry na nabawasan ang manonood dahil sa pagsusulputan ng streaming platforms.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with