^

Pang Movies

Matet, inaming si Lotlot naman talaga ang nag-alaga sa kanya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Matet, inaming si Lotlot naman talaga ang nag-alaga sa kanya
Matet

Siguradong may Noranians na magre-react sa pasasalamat ni Matet de Leon sa ate niya na maayos ang pagpapalaki sa kanilang magkakapatid. Ang ate na tinukoy ni Matet ay si Lotlot de Leon na tumayong ina nila at nagpalaki sa kanila dahil that time, busy si Nora sa showbis.

Sasabihin ng Noranians na sine-shade ni Matet ang inang si Nora na umampon sa kanya at sa iba pa niyang mga kapatid. Pero, kung totoong si Lotlot ang nagpalaki sa kanilang magkakapatid dapat lang siyang pasalamatan.

Ayon pa kay Matet hindi siya naglabas ng video at ilabas ang tampo sa ina para umingay muli ang kanyang pangalan dahil hindi sa ganoong paraan sila pinalaki ni Lotlot. Pati nga mga anak ni Lotlot, pinuri ni Matet. Mababait daw ang mga anak ni Lotlot at dahil na rin ito sa ginawa niyang pagpapalaki sa kanila.

 Ang latest, bina-bash na nga ng Noranians si Matet na ang sagot, itutuloy niya ang pagre-release ng screenshots ng chat nila ni Nora para ipakitang alam nito na maglalabas siya ng bottled products, gagawin niya ito kapag hindi siya tinigilang i-bash.

 Malapit na ang Pasko, saka pa nagkagulo sina Matet at Nora at si Matet at kapatid na si Kenneth. Kinol-out ni Matet si Kenneth dahil siya yata ang katulong ni Nora sa kanyang bottled food business.

 Ilang araw na lang at Pasko na at saka pa nagkagulo sina Nora at Matet. Comment tuloy ng isang fan, sana joke lang ang nangyayari sa mag-ina.

Maricel, tanggap ang pagkalaos

 Dapat mapanood ng mga artistang hindi na masyadong relevant ang vlog ni Maricel Soriano tungkol sa mga artistang hindi pa matanggap na hindi na sila sikat.

 “Dapat lagi kang handa… kasi hindi puwedeng  hindi ka maging handa dahil parang buhay din ang show business, hindi mo alam kung anong maaaring mangyari. Kung sumikat ka  at tapos na ‘yung time mo, ibigay mo naman sa iba. Gano’n talaga ‘yon, e. Natapos na ‘yung time mo, share it naman with others.”

 Si Maricel, hindi man siya kasing sikat noong araw, relevant pa rin siya. May gagawin nga itong project sa ABS-CBN under Dreamscape na  Linlang ang title. Saka, hit ang vlog niya na may comedy factor.

Batang Quiapo, early 2023 agad ang airing

Ipinakilala na ang bubuo sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo na pagbibidahang muli ni Coco Martin. Si Lovi Poe ang makakatambal niya sa TV adaptation ng isa sa hit movie ng ama niyang si Fernando Poe. Jr.

 Kasama sa cast sina Charo Santos-Concio, Lito Lapid, Cherry Pie Picache, Alan Paule, Mark Lapid, Pen Medina, Mercedes Cabral, Ronwaldo Martin, John Estrada, Tommy Abuel, Susan Africa, Ping Medina, at Christopher de Leon.

 For 2023 airing ang Batang Quiapo na sa laki ng cast, na-excite ang Kapamilya fans at viewers.

MATET DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with