^

Pang Movies

Ruru, may nakitang ibang side kay Bianca   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ruru, may nakitang ibang side kay Bianca            
Ruru at Bianca

Naging birthday gift na kay Kapuso Hunk actor Ruru Madrid noong 25th birthday niya last December 4, ang screen test niya ng next project sa GMA, ang The Write One. 

“Excited po ako, dahil after four years na namin ng relasyon ni Bianca (Umali), first time lamang naming magtatambal sa isang teleserye,” kuwento ni Ruru sa Chika Minute ng 24 Oras. “It was refreshing, ngayon po lamang nag-sink in sa akin na finally we will be working together,” say naman ni Bianca.

Nakakatuwa dahil nakita ko ang ibang side ni Bianca, ngayong magkatrabaho na kami, nakita ko kung paano magtrabaho si Bianca, alam ko marami akong matututunann sa kanya.  Sa unang eksena namin ng screen test na napakahaba ng eksena, parang nag-taping ako nang isang araw, very challenging, iba talaga, diin na diin, napakahusay niya, ang galing niyang umarte, tiyak marami akong matututunan sa kanya.”

 “Ako naman po, I’m preparing myself, more mentally, professionally, we are lovers sa story,” dagdag naman ni Bianca. 

Jeric, naging in demand

Happy and thankful si Kapuso actor Jeric Gonzales, dahil nasa last three weeks pa ang kanilang Pinoy adaptation ng K-drama Start-Up PH nina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien Kurdi, heto at nag-attend na siya ng story conference ng next project niya sa GMA Network, ang Urduja Files na makakasama naman niya sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Vin Abrenica.  Ka-join din sa storycon sina Arra San Agustin, Kristoffer Martin, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan at Zoren Legaspi.

Mukhang sa bagong seryeng gagawin ni Jeric, mapapasabak naman siya sa mga action scene, tulad ng mga paghahandang ginagawa nina Gabbi, Sanya at Kylie na dumaraan sa martial arts at arnis training. 

Nagpapasalamat...

 Labis ang pasasalamat ni Vhong Navarro, na pinayagan siyang mag-bail ng one million pesos para sa pansamantala niyang paglaya habang dinidinig pa ang rape case na naka-file sa Taguig Trial Court. 

Kaya napakagandang Christmas kay Vhong na pinayagan siyang makalabas para makasama ang kanyang pamilya sa darating na Pasko. 

Kasalukuyan nang inaayos ang requirements ng kanyang bail.

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with