^

Pang Movies

Pat-P, paborito ng NET 25!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pat-P, paborito ng NET 25!

Dahil siguro sobra ang excitement ko sa lunchdate natin Salve sa bossing ni Pat-P Daza sa Net 25 na si Caesar Vallejos, 10:00 am pa lang kahapon ay andun na ako sa 3lixir Cafe na katapat lang ang building ng Net 25.

Kaloka talaga ang mga sked ko na sa sobrang takot ko na ma-late, overacting naman ako sa aga.

Dapat talaga magbigay ng early bird prize sa mga pupuntahan ko para lagi akong win.

Kaya ginugulo ko talaga sina Salve at Gorgy kahapon na pumunta na rin agad kahit ang aga pa at 11:00 pa ang lunch namin.

Talagang may kagagahan ako pagdating sa oras kaya naman hindi na sila nagugulat na usually nagugulo ang schedule dahil sa akin.

At least nakilala na namin ang boss ni Pat-P sa Net 25 na mukhang paborito siya dahil tatlo ang shows niya rito.

Bongga Pat-P, basta happy ka, happy tayong lahat.

Pati sa Brightlight, brightest star ka ngayon.

Congrats Pat-P, deserving ka dahil sobra kang sipag na sabi nga ni Ali Sotto, talagang nagtataka siya kung paano niya nagagawa na pagkakatapos ng programa nila na ASPN (Ano sa Palagay N’yo), ratsada pa rin ni Pat-P sa mga meeting at nag-oopisina pa siya. Samantalang siya, si Ali, uuwi at matutulog na.

Hahahaha. Bongga. Pero sa totoo lang, bagay talaga silang magkasama sa programa ng Net 25 na ASPN. Talagang nangingibabaw ang mga boses nila sa TV at radyo. Congrats Net 25.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with