^

Pang Movies

Negosyong tuyo kinumpetensya Matet, nawindang sa ginawa ng inang si Nora!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Negosyong tuyo kinumpetensya Matet, nawindang sa ginawa ng inang si Nora!              
Matet

Ikinaloka ni Matet de Leon ang ginawa ng kanyang inang si Nora Aunor.

Matinding talak talaga ang ginawa niya sa kanyang madir sa kanyang Instagram page.

Ang ikinawiwindang ni Matet, kinumpetensiya raw siya ng sariling ina sa negosyo at hindi niya mapaniwalaang magagawa ito sa kanya.

Sa umpisa pa lang ng kanyang post ay ramdam na ramdam mo na ang galit ni Matet kay ate Guy.

 “Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? how can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO,” simula ni Matet.

Sumunod ay kinuwento na nga niya kung ano ang ginawa ng ina sa kanya.

“Nung isang gabi, sinabihan ako na na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko,” himutok ni Matet.

Kwento pa ni Matet, katwiran daw sa kanya ni Ate Guy ay marami naman daw siyang taping.

“Alam niyang may produkto akong ganyan.. Marami naman daw akong taping. Ano sa tingin n’yo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?” reklamo ni Matet.

Sa kanyang post ay makikita ang larawan ng bote ng Ate Guy’s Gourmet Tinapa and Gourmet Tuyo na negosyo ng Superstar.

Naka-disable ang comment section sa post ni Matet at habang sinusulat ito ay wala pa ring pahayag si ate Guy tungkol dito.

Sunshine Dizon, may bronchitis

Naka-confine pa rin sa hospital si Sunshine Dizon base sa kanyang recent IG post. Bagama’t may karamdaman, nag-post pa rin siya sa camera at piniplit magpaka-positibo.

Sa kanyang post ay thankful pa rin ang aktres na negative siya sa COVID-19 and revealed na may bronchitis siya.

“So this is my best effort to look cute and feel my rays of sunshie to uplift my spirits. So far thank God its not covid. Again I tested NEGATIVE FOR COVID.

“So far what my Pulmo is saying is Bronchitis,” aniya sa caption.

Patuloy pa ring humihingi ng dasal si Sunshine para sa kanyang paggaling.

“I know prayers works wonders so do pls pray for me and everyone you know battling something,” aniya.

Matatandaang isinugod sa hospital si Sunshine last week at sa pamamagitan nga ng kanyang post ay ipinagtapat din niyang nakararanas siya ngayon ng PTSD (post-traumatic stress disorder) at iba pang mental health issues.

MATET DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with