^

Pang Movies

Showbiz couple na naghiwalay, naka-move on agad

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-alsa-balutan na raw ang isang aktres sa conjugal home nila ng asawang aktor!

Matagal nang nabalita na hiwalay na ang showbiz couple. Pero nanatiling tikom ang bibig ng dalawa tungkol dito at sa dahilan ng hiwalayan.

Eh sa mga post nila sa kanilang social media account, kapansin-pansin ang hindi nila pagsasama sa okasyong sine-celebrate, huh!

Hanggang sa lumayas na ang babae na nakikita naman sa guestings sa TV shows ngayon, huh! Parang walang dinadamdam sa married life niya.

Dingdong, honorary member na ng PMA

Honorary member nang PMA Sanghaya Class 2000 ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes!

 Ibinahagi ni Dong sa kanyang Instagram ang natanggap na certificate of membership at ilang pictures sa kanyang oath-taking ceremony.

 Sa bahagi ng kanyang caption, sinabi ng GMA Primetime King na pinangarap niyang makapasok sa military school after ng kanyang high school.

 Pero, “God had different plans for me back then but still led me to espouse these values regardless of destination.”

 Inagaw ng showbiz si Dong pero nagtagumpay naman siya sa larangang pinili at may wifey pang si Marian Rivera at anak na sina Zia at Ziggy. Worth it naman kumbaga ang naging kapalit ng una niyang pangarap.

Pero ngayon, PMAer na si Dong at reservist din sa Philippine Navy.

For sure, very proud wifey si Marian sa latest achievement ng asawa, huh!

DINGDONG DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with