^

Pang Movies

Arci kasama na sa Team Manny/Jinkee!; Korean celebs manonood sa bakbakan nina Pacquiao at DK Yoo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Arci kasama na sa Team Manny/Jinkee!; Korean celebs manonood sa bakbakan nina Pacquiao at DK Yoo
Manny at DK

Sunud-sunod ang pagdating sa bansa ng mga Korean pop group.

Na ‘yung iba kailangan mo pang i-Google para makilala.

Hahaha. ‘Di ba. At bongga pala sila, ang daming fans kahit sa totoo lang.

Pero iba sila Jinkee Pacquiao. Andun sila sa South Korea kasama ang buong pamilya para sa exhibition game ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Makakalaban niya sa nasabing ehxibition fight ang Korean mixed martial artist na si DK Yoo sa Disyembre 11, Korea International Exhibition Center (KINTEX).

Ayon sa mga ulat, ang mga kikitain mula sa laban ay ido-donate para tumulong sa mga relief at recovery efforts sa Ukraine.

At habang tuloy ang pag-eensayo ni Manny, todo rampa naman si Jinkee sa mga sa luxury store sa South Korea kasama ang pamilya.

Nakapasyal din sila sa Itaewon.

Ang sabi, maraming Korean celebrity na manono­od ng exhibition game ni Manny and DK Yoo at kabilang daw dun ang dalawang member ng BTS.

Ito kaya ang rason kung ba’t andun si Arci Muñoz na kasama ang bagong boyfriend? Para kaya makita niya nang mas malapitan at makilala ng personal ang kanyang mga iniidolo?

Si Seth Shannon Jamora ang BF ngayon ni Arci na kapatid ng asawa ng kakambal ni Jinkee, si Janet (Steve Jamora na dating PBB housemate).

‘Yun pala ang konek kaya kasama sa tropa ni Manny si Arci.

Yup, Team Manny/Jinkee na pala ito.

Rhian, tinatanggihan ang ibang regalo ng madatung na dyowa

 Ang yaman pala talaga ng boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa.

Imagine pinag-shopping niya sa Louis Vuitton (Japan) ang mga staff niya sa pag-aaring kumpanyang Frontrow.

Bukod pa raw ito sa free travel and tour.

Sa isang store visit lang daw, more than 34 million yen ang nagastos nito na sa Philippine peso ay a little more than P17 million.

Sa kanyang mga Instagram story ay makikita ngang todo-todo ang pasasalamat sa kanya ng mga staff niya.

May nag-post pa ng ‘choose anything you want in LV’ as in free tour ang free LV shopping.

Pero ang narinig kong kuwento, hindi raw masyadong materialistic si Rhian.

May mga tinatanggihan nga ba itong regalo ng negosyante at isa ring congressman bilang representative ng Tutok to Win?

Isang influencer din ang ex ni Sam Verzosa na diumano’y girlfriend ngayon ng isang upcoming actor / director.

ATM, swak sa mga YOLO

Habang nagiging popular ang ugali ng ‘YOLO’ o ‘You Only Live Once’ ngayon, ipinakilala ng GMA Network ang isang lifestyle channel sa YouTube sa pamamagitan ng Adventure. Taste. Moments na nagkakaroon ng livestream ang launching kahapon.

Mula nang magsimula ang pandemya, ang mga tao ay higit na nakatuon sa kanilang kalusugan kaya’t sinusubukang mamuhay sa pamamagitan ng healthy lifestyle.

Sa pamamagitan ng Adventure. Taste. Moments o ATM, the audience will discover everything under the sun from nutritious recipes and styling tips to travel ideas and exciting events.

Abangan dito ang Sparkle sweethearts na sina YsaGuel o Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na magbabahagi ng mga kuwento tungkol sa kanilang inaabangang live-action na remake na Voltes V: Legacy.

Perpekto rin ang ATM para sa mga naghahanap ng entertainment na gustong malaman ang pinakabagong balita tungkol sa mga celebrity.

Tune in habang nagkukwento ang Kapuso It Girl at global endorser na si Gabbi Garcia tungkol sa limang malalaking role niya sa GMA.

Abangan din ang Kapuso personalities na haharap sa masasayang hamon gaya ng ATM Surprise Box.

Higit pa rito, abangan sa ATM ang mga sneak peek sa likod ng mga eksena ng Kapuso programs at events tulad ng TiktoClock, All-Out Sundays, Sarap, ‘Di Ba?, Farm to Table, The Clash, at JulieVerse concert.

Tunay na marami ang nakaimbak na pag-uusapan para sa ATM.

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with