^

Pang Movies

Vilma at Dawn, ‘di nakakalimot sa mga kaibigan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vilma at Dawn, âdi nakakalimot sa mga kaibigan
Vilma

Grabe, Salve, na sa gitna ng pagiging busy ni Vilma Santos talagang may panahon pa siya na padalhan ako ng ever favorite kong suman ng Lipa at lucky envelope.

Talagang kinilig ako dahil Vilma Santos iyan noh! Isang icon na hindi puwedeng burahin sa history ng showbiz. Kahit sino siguro na bigyan ng konting panahon ni Ate Vi kikiligin. Totoong ‘pag nasa circle of friends ka ni Vilma Santos napakasuwerte mo dahil talagang hindi siya nakakalimot kahit pa nga nasa tuktok na siya ng tagumpay.

Pareho sila ni Dawn Zulueta na kahit hindi na busy sa showbiz at nasa semi-retirement stage nandiyan pa rin ang yearly calendar nilang pamilya at talagang natatanggap mo taun-taon. Hindi na mahalaga kung anuman ang ibigay nilang regalo, ‘yung maalala ka lang ng isang Vilma Santos at isang Dawn Zulueta, parang isa ka nang importanteng tao, kaya kikiligin ka.

Merry Pasko, Ate Vi at Dawn, so thankful for your thoughts. Love you.

‘Mabuting pamamahala…’

Alam mo ba, Salve, na malapit na naman ang birthday ni MJ, ang anak ni Mel na parang apo ko na rin. Kaya excited na naman siya na magpunta sa Amana Waterpark dahil for almost eight years na, lagi doon siya nagse-celebrate ng birthday niya.

Buti na lang at napakabait ni Mayor Enrico Roque ng Pandi dahil talagang pinapayagan niya na lagi na ay doon mag-birthday si MJ. Kasama ni MJ ang mga pinsan niya, ibang classmates at tuwang-tuwa sila na lumangoy sa mara­ming pool ng Amana Waterpark.

Isa talaga ito sa dinadayo sa Pandi kaya naman lagi na ay pinag-uusapan ang malaking contribution ng Amana sa pagiging famous ng Pandi. At iyan ay utang ng lahat sa mabuting pamamahala ni Mayor Enrico Roque.

Congrats, Mayor Enrico, for a job well done in Pandi. Masaya na naman si MJ dahil bongga na naman ang birthday niya. Talagang parang kilala lang ang Pandi dahil kay Mayor Enrico Roque. Bongga.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with