^

Pang Movies

Martin, naiyak sa contract signing   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Martin, naiyak sa contract signing              
Martin

Kahit pa wala nang franchise ang ABS-CBN, isa si Martin Nievera na hanggang ngayon ay nananati­ling loyal sa network. Sa katunayan, kapipirma lang daw niya ng panibagong kontrata sa Kapamilya.

Ang bongga nga raw ng contract signing dahil ginanap pa ito sa isang mamahaling hotel suite sa Las Vegas nang magtungo sila roon para sa ASAP show kamakailan.

Kwento ni Martin, hindi raw niya mapigilang ma­ging emosyonal nang pumirma siya ng kontrata.

“When they asked me to sign the contract, I was in tears,” pagbabahagi ni Martin nang makatsikahan namin sa Christmas get-together hosted by our colleague, Jun Lalin.

“I was emotional. You should have seen that signing. It was the very first contract signing on top of the building, facing the strip of Las Vegas,” kwento pa ng Concert King.

Present daw ang ABS-CBN bosses na sina CEO Carlo Katigbak and COO for Broadcast na si Cory Vidanes.

“Carlo Katibigak, Cory Vidanes invited me to a big hotel suite with bonggacious people from Vegas who don’t know who you are, pero may suite kami, champagne, lahat. Signing,” tsika niya.

Bakit siya naging emotional? “Why I was emotional was because, I told Cory, ‘kailangan ba?’ Ang tagal na ‘ko sa ABS. Parang I was so amazed and so in awe, after all they’ve been through, and not to mention how many people lost their jobs…” ani Martin.

Ayon pa sa Concert King, hindi raw niya nakikita ang sarili niya na lilipat pa ng ibang network.

“Not because I don’t like 5 (TV5), not because I don’t like 7 (GMA 7), I owe 7 my life, but because I want to be able to say I’ve finished what I started, and that’s with ABS-CBN, hoping that my fellow Kapamilya will follow suit,” he said.

Masasabi ba niyang sasamahan niya ang ABS-CBN hanggang sa dulo?

“Until I’m no longer needed, I will sing until my last breath,” saad ni Martin.

Herlene, nilantad na nagpapagamot

Bihira ang nakakaalam na matinding stress pala ang pinagdaaanan ni Herlene Budol nang sumali siya sa BB. Pilipinas 2022.

Ini-reveal niya sa kanyang panayam sa Updated with Nelson Canlas na nagkaroon siya ng alopecia dala ng matinding stress habang naghahanda sa nasabing pageant.

Ipinakita niya sa camera ang bahagi ng kanyang ulo na nakakalbo na at medyo malaki-laki na nga ito.

Sa una ay nagkaroon daw siya ng maraming pimples hanggang sa nagsimula na rin ang kanyang alopecia, mula sa maliit hanggang sa lumaki na nga.

Nakadagdag pa marahil daw ang naranasan niya sa Uganda kung saan ay kandidata siya sana sa Miss Planet International pero nag-back out siya bilang dahil sa katakut-takot na aberyang nangyari hanggang sa hindi na nga rin natuloy ang pageant

Pero may treatment na raw naman siyang ginagawa sa kanyang alopecia and hopefully ay mawala na raw ito.

MARTIN NIEVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with