^

Pang Movies

Aktres, ‘di kinaya ang pangingialam ng in-laws

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Problema raw sa in-laws ang isa sa mga rason ng paghihiwalay ng isang showbiz couple. Hindi na raw makayanan ng aktres na lahat ng bagay sa pagsasama nila ng kanyang asawa ay gustong pakialaman ng kanyang in-laws.

Pati pamamalakad sa kanilang bahay at kung paano alagaan ng aktres ang mga anak nila ng aktor na anak ng kanyang in-laws ay gusto ring pakialaman. Pati pagpapakain sa mga apo, pagtulog at lahat ng bagay at kailangang na-check muna ng kanyang in-laws bago gawin ng aktres.

Noong una, natuwa pa ang aktres dahil naga-guide siya ng kanyang in-laws kung paano maging asawa at maging ina sa kanyang mga anak. Kalaunan, naisip ng aktres na hindi na tama ang ginagawa ng kanyang in-laws at kinausap nito ang kanyang asawa para kausapin ang parents nito.

Kaya lang, wala ring nagawa ang asawa ng aktres kahit kinausap na ang kanyang parents dahil ang mga magulang pa rin ang nasusunod sa bahay at buhay ng aktres at ng aktor. Hanggang hindi na nakayanan ng aktres at nag-decide na makipaghiwalay na lang sa aktor.

Tama ang nasusulat na walang third party sa hiwalayan ng showbiz couple dahil totoo. Matatawag din kayang third party ang parents ng aktor na dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang misis na aktres?

In fairness, mas masaya at mas tahimik ang buhay nga­yon ng dating mag-asawa na hiwalay na sila at nagkasundo sa co-parenting setup sa kanilang mga anak.

Carla, nagpasilip ng boobs!

Bumawi si Carla Abellana sa pinost na photo na naka-swimsuit siya at nasa swimming pool dahil ang comment ng netizens, wala naman daw silang nakitang skin kay Carla? Nakalublob kasi siya sa swimming pool at upper body lang ang malinaw na makikita. ‘Yung lower body, blurred ang photo at reklamo ng netizens, hindi nila nasilayan ang kaseksihan ni Carla.

Pero, sa latest photo ni Carla, bumawi ang aktres dahil sa suot niyang ruffled robe nasa tabi ng bintana at nakatingin sa labas, nagpakita na nga siya ng skin. Hindi lang basta cleavage ang ipinasilip ni Carla, boobs na niya minus the nipples at hayaan na natin siyang ‘yun muna ang ipakita.

Ang caption ni Carla sa photo ay quote mula kay Ernest Hemingway, “The world breaks everyone and afterward are strong at the broken places.”

Sa nabasa naming comments, hindi lang Kapuso stars ang nagandahan sa mga photo ni Ganda, pati Kapamilya stars. Pare-pareho sila ng sabi na maganda si Carla, may napa-“OMG.” Mayroong walang nasabi, kaya pinusuan na lang ang photos ni Carla.

And speaking of Carla, this December, ilalabas na ang teaser o trailer ng Voltes V: Legacy kung saan kasama siya sa cast. Sa February 2023 daw ang airing ng live action series ng GMA 7.

CARLA ABELLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with