^

Pang Movies

Kylie, humingi ng tulong kay Robin   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kylie, humingi ng tulong kay Robin          
Kylie

Nagsimula na pala si Kapuso actress Kylie Padilla na mag-training para sa kanyang upco­ming action-fantasy-series ng GMA na muli niyang makakasama ang kanyang Encantadia sisters na sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez, na ayon sa interview sa kanya sa 24 Oras ay nag-flashback nga silang tatlo during their practice ng martial arts at arnis. Tanungan nga raw sila kung Encantadia part two na raw iyong gagawin nila? “Pero hamon pa rin sa akin ang magiging role ko sa nalalapit naming mega serye,” sabi ni Kylie. “Mas realistic kasi iyong bakbakan, I feel very very happy to be part of another show that shows the strength of women. Kaya nga humingi ako ng tulong sa tatay ko (Robin Padilla). Tinawagan ko siya at sabi ko, ‘Pa, tulungan mo naman ako. Ano pwede kong gawin?’ So, ayun, siya na ‘yung nag-connect-connect. Pupunta na lang ako roon, kinakabahan nga ako, siyempre iba iyon, mahirap iyon.”

Hindi pa namin alam kung sinu-sino pa ang makakasama nila sa mega-serye, pero ang isa ay ang bagong Kapuso hunk na si Vin Abrenica, ang brother-in-law ni Kylie sa husband niyang si Aljur Abrenica.

Dingdong, co-prod sa collab nila ni Charo

Happy si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na muli siyang gagawa ng movie, at matutuloy na rin ang matagal nang plano nilang collaboration ni Ms. Charo Santos-Concio. 

Natuloy na rin ang meeting nila at napagkasunduang magsisimula na silang mag-shooting ng movie sa pagpasok ng 2023. It will be produced by Cornerstone at AgostoDos, kasama rin si Ms. Malou Santos.

Hindi pa nila ipinaalam ang title ng movie na sinulat at ididirek ni Irene Villamor. Matatandaan na si Direk Irene ang nagdirek ng Sid and Aya (Not A Love Story) na pinagtambalan nina Dingdong at Anne Curtis sa Viva Films, na isang blockbuster movie in 2018.

KYLIE PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with