^

Pang Movies

Kylie napagkamalang porn star; Jake maghuhubad sa stage play

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kylie napagkamalang porn star; Jake maghuhubad sa stage play
Kylie

Grabehan ang mga comment sa post ni Kylie Verzosa na naka-display ang kanyang bilugang puwet habang nasa pool.

As in talaga kasing naka-focus ang kanyang wetpaks sa nasabing post.

Kinumpara pa ng iba sa watermelon dahil bilog na bilog daw talaga ito.

At ang naging popular pa sa Facebook.

“Much needed break before headed back to work,” ang caption ng ex ni Jake Cuenca.

Kaya naman may comment na “Inaakit nyan c ex nyang c jake kaya panay picture na masagwa hahah dinadaan sa picture.”

Meron naman pang-imbyerna talaga ang comment : “Sorry kylie, I think this is too much.  you need to think twice as a beauty queen.”

“Beauty Queen ba yarn or Porn Star??Yung mga post nya pra wla na sa ayos. Just saying,” komento naman ng isa pa.

Pero may mga nagtatanggol din na fan ni Kylie. “Wtf are these comments?????? Mga titang matatanda, wag naman paurong ang pag iisip. tanda niyo na gusto niyo pang masabihan na “grow up” malapit na mag 2023 jusko ganyan parin kayo magisip.”

Base sa mga post ni Kylie mas naging daring siya pagkatapos nilang mag-split ni Jake.

Actually, hindi lang si Kylie ang naging daring. Kahit si Jake ay handa na ring mag-all the way.

At ang latest project niya, isang stage play na pag-uusapan ang kanilang ‘junjun,’ ang DickTalk na malamang na mapanood sa April 2023.

Provocative ang nasabing proyekto na ang pag-uusapan ay ang kanilang ipinagmamalaking ‘ari-arian.’

“Parang kanina the magic word for me was ‘bold’, ‘provocative.’ It’s also parang to make a material like this na napaka-provocative at bold yet may mainstream appeal ‘yung tipong gustong panoorin ng tao, madaling intindihin. Syempre for me also, the main reason why I said yes was of course, Direk Phil Noble, umpisa ni Jake.

“Nung nasa GMA pa lang ako si Direk Phil ang nagbibigay sa’kin ng trabaho nu’n. Direk Phil was there for me, so for me I’m just happy to have this opportunity to work with V-roll, to work with Phil and all these amazing actors and at the same time sabi ko nga yesterday I wanted this year to be reintroduction. Put me in reintroduction if I don’t do a play, so ito po ‘yun,” paliwanag pa ng actor kung papaano siya napapayag sa proyektong ito.

Aside from Jake, kasama rin sa DT sina Gold Aceron, Mikoy Morales, and Nil Nodalo.

Ito na nga siguro ang magiging sagot ng kalalakihan sa The Vagina Monologues na nagkaroon na rin ng local version.

Lovelife ni Lyca, pinakialaman ng netizens

Umiral na naman ang pagiging pakialamero ng netizens sa buhay ng may buhay.

Nag-post si Lyca Gairanod na kasama ang boyfriend na non-showbiz.

Aniya “Spend time w u.”

Cute naman si boyfie pero sabi ng ibang netizens, ‘wag muna sanang magmadali si Lyca. Bata pa raw at kailangan pa siya ng kanyang pamilya.

Common knowledge ang family background ni Lyca kung saan siya ang tumutulong sa kanilang pamilya.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with