^

Pang Movies

‘Nakakakilig at nakaka-touch’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
âNakakakilig at nakaka-touchâ

Alam mo, Salve, totoo na ayaw ko sana dinadalaw ako ng mga alaga ko sa hospital. Pero aaminin ko, kinikilig at touched na touched ako ‘pag pumupunta sila. Actually, parang gusto kong maiyak ‘pag nakikita ko sila sa room ko sa dialysis treatment.

Alam ko na puno rin and sked nila pero isinisingit pa rin nila ang pagdalaw sa akin.

At isa sa talagang tumatak sa puso ko ang pagdalaw ni Rhian Ramos. Hindi ko alaga si Rhian pero nagtagal siya sa kuwarto ko para aliwin ako at bigyan ng emotional support. Hindi rin ako nagkamali na maging alaga at ipaglaban sina Lorna Tolentino, Sandy Andolong, Lani Mercado, Alfred Vargas, Tonton Gutierrez at Bong Revilla.

Nagbunga rin ang pagmamahal ko kay Tirso Cruz III dahil nandu’n na para ipagdasal ako ni Lyn Cruz, may inabot pang red envelope.

At kahit subsob sa trabaho at sked si Bong Revilla nahanapan niya ako ng oras para dalawin. Nag-enjoy ako sa mga kalokohan ni Paolo Contis na in-introduce ako kay Yen Santos as a friend, heh heh, pero may I love you, kalokah!

Ang babait talaga ng mga alaga ko, kaya sobra akong confident na kakayanin ko ang lahat dahil nandiyan sila. Sure ako hindi nila ako pababayaan, or else lagot sila kina Gorgy at Salve. 

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with