^

Pang Movies

AlDub fans, ‘di nagustuhan ang ginawa ng misis ni Gary V.

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Naintriga kami kung bakit tina-tag at kino-call out ng ilang AlDub fans si Angeli P. Valenciano at sinabihan pang ‘wag nang sumama sa sarswela. Hinanap namin sa Twitter kung ano ang na-tweet ni Angeli para i-tag at i-call out siya.

Ang tweet ni Angeli na “Congratulations to Maine Mendoza who just won in the 27th Asian TV Awards!!! @mainedcm God bless you!!! #asiantvawards #27thAsianTVAwards I just congratulated Arjo who is a dear friend of our family! Well @Riatayde is #KianaVee BFF hehe.”

Si Maine ang nanalong Best Entertainment/Presentor/Host sa Asian TV Awards for Maine Goals na napapanood sa BuKo channel ng Cignal TV. Kaya naman binati siya ni Angeli na hindi nga nagustuhan ng ilang AlDub fans.

Bianca, may bagong squad

May show na sa GMA 7 si Bianca Manalo na kapipirma pa lang ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center. Kasama siya sa cast ng Magandang Dilag at ka-squad siya ni Maxine Medina na gaganap na main contravida ni Herlene Budol.

Pinost ni Maxine ang photos nila nina Bianca at Angela Alarcon at ang pakilala nga niya ay kanyang squad. Pati nga mga pangalan ng karakter ng tatlo tunog sosyal at yayamanin. Si Maxine ay si Blair, si Bianca ay si Riley, at si Angela ay si Allison. Ka-squad din nila sina Adrian Alandy at Rob Gomez.

In fairness, tama ang comment ng netizens na hinulaang kundi hosting ay kontrabida role ang ibibigay sa kanya.

Sigurado ang netizens na okay lang kay Sen. Sherwin Gatchalian kung kontrabida roles muna ang ibibigay sa kanya. Matagal naman yata ang kontrata ni Bianca sa Sparkle kaya marami pa siyang role na puwedeng gampanan.

Inaming nagkabahay dahil sa pambubudol...

Mapapanood sa vlog ni Karen Davila ang pagsama niya sa house shopping spree ni Herlene “Hipon Girl” Budol para mamili ng mga gamit para sa bagong bahay ni Budol. Umabot sa P100,000  (courtesy of Karen) ang worth ng mga gamit na pinamili para sa kanyang bahay na tatawagin niyang “Budol family”  dahil nagkabahay raw siya dahil sa pambubudol.

Three-bedroom ang house na bigay ng manager niya na si Wilbert Tolentino.

“@iamkarendavila ma’am salamat po ng sobra sa maagang pamasko panoodin nyo na po sa vlog nya,” pasasalamat nito kay Karen.

May disclaimer si Karen sa vlog. “As promised... We surprised Herlene Hipon with her house shopping spree makeover! This video was shot last October 20, 2022, a month before she was to leave for Ms. Planet International in Africa. Sadly, hindi natuloy ang pageant. Pero, at least napasaya namin ang Pasko ni Herlene.”

BIANCA MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with