^

Pang Movies

Herlene, nakakalbo  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi raw biro ang stress na naranasan ni Herlene “Hipon Girl” Budol dahil sa mga nangyaring gulo sa Uganda kung saan dapat ginanap ang Miss Planet International pageant.

Dahil daw sa sobrang stress niya, bumalik daw ang sakit niyang alopecia o ang pagkalagas ng kanyang buhok. Una raw niya itong naranasan noong sumali siya sa Binibining Pilipinas pageant. Gumaling naman daw siya after the pageant, pero bigla raw itong bumalik dahil sa hindi magandang experience sa Uganda.

Kuwento ni Hipon na para raw silang mga pulubi roon na walang pagkain at walang matuluyan. Wala raw ginawa ang organizers ng pageant na pinabayaan na lang daw sila. Mabuti na lang daw at nakilala si Hipon ng isang OFW roon at tinulungan siya nito.
Nilapitan daw siya ng OFW at himilling na magpa-selfie sa kanya. Doon na raw kinapalan ni Hipon ang mukha niya at humingi siya ng saklolo rito. “’Di ba dinala kami sa mall, sabi sa akin ng OFW, ‘Uy, Hipon pa-picture.’ Buti nakilala po ako nun. Nung nakilala ako, talagang kinapalan ko ang mukha ko. Para nga akong pulubi, sabi ko, “’Te, libre mo naman ako, penge naman akong—pengeng kahit ano, barya. Pambili lang ng kayang bumili ng kahit tinapay. Pero nilibre niya po kami sa parang fast food chain,” kuwento ni Hipon.

Dahil sa paghingi niya saklolo, nagbayanihan ang mga OFW para mabigyan ng tulong si Hipon habang nandoon siya sa Uganda. Kaya naman ang laki ng pasasalamat niya sa ating mga kababayan doon dahil hindi raw nagdalawang-isip ang mga ito na tulungan siya hanggang sa makauwi na siya ng Pilipinas.

Post ni Hipon sa Instagram: “Sobra pa sa korona yung maiuuwi ko para sa pilipinas. Dahil sa baon kong aral na natutunan. napatunayan kong Sa Oras ng pangangaylangan May Pilipinong mag dadamayan kahit saang bansa panalo ang Pilipinas with or without crown I’m proud to a Filipina. Salamat Sa Filipino community Sa uganda.”

Mavy, ‘di napikon sa ‘hotdog’

Mabuti na lang at hindi pikon si Mavy Legaspi dahil sa pag-viral ng sagot niya na “hotdog” sa isang tanong sa kanya sa Family Feud.

Si Mavy pa mismo nagkuwento via Twitter na habang naglalakad siya sa mall, may isang fan ang biniro siya dahil sa nag-viral na sagot niya sa Family Feud.

Tweet ni Mavy: “Was walking around the mall and then someone said… “MAVY, 1+1?”

Imbes kasi na sumagot ng Magellan o 11, sinagot ni Mavy ay “hotdog.” Kaya nag-viral ito dahil parang clueless si Mavy sa kanyang sinagot.

Good sport naman daw si Mavy at nag-tweet pa ito after na mag-viral ang sagot niya: “feeling ko lang proud na proud mga magulang ko. maliit na bagay! ako lang toh…”

Queen of Christmas Mariah Carey, pasok ulit sa billboard hot 100 chart

Nagbabalik ang Queen of Christmas na si Mariah Carey sa Billboard Hot 100 chart dahil sa kanyang holiday classic na All I Want For Christmas Is You.
Kasalukuyang nasa number 5 sa Top 10 chart si Mariah at ang iba pang Christmas songs na pasok ay Rockin’ Around the Christmas Tree ni Brenda Lee (No. 6), Jingle Bell Rock ni Bobby Helm (No. 9), at A Holly Jolly Christmas ni Burl Ives (No. 10).

Pinasok na rin ni Mariah ang pag-produce ng isang Broadway musical at ito ay ang Some Like It Hot. Inamin ni Mariah na paborito niya si Marilyn Monroe kaya naengganyo siyang sumama sa team na gagawing musical on Broadway ang 1959 film nito.
Isang dahilan din kung bakit pinangalanan niyang Monroe ang isa sa twins niya ay dahil sa pagiging fan niya ni Marilyn.
“I first became familiar with this story through the timeless film starring Marilyn Monroe. She’s been an important touchstone throughout my life, so much so that I acquired her treasured baby grand white piano at an auction. I’m proud to help bring Some Like It Hot for today’s world to new audiences,” sey ni Mariah.

MAVY LEGASPI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with