^

Pang Movies

Dream Chasers, magpapakitang gilas kasama si Darren

Pang-masa

MANILA, Philippines — Papalapit na talaga ang holiday season at tuluy-tuloy pa rin ang dagsa ng pamaskong world-class performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists live na live ngayong Linggo (Dis. 4) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang pagsalang ng 59 Dream Chasers mula sa Kapamilya global pop group search show na Dream Maker, na magpapakitang gilas ng kanilang talento sa ASAP stage kasama ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren. Patuloy pa rin ang Pinoy pop invasion sa nagbabagang solo act mula kay Lovi Poe at sa new single performance ni Maymay Entrata.

Maki-jamming sa rockoustic session nina KD Estrada at Kice kasama si Ian Veneracion, pati sa rock-and-roll kantahan nina Janine Berdin, Sheena Belarmino, at Bamboo. May fresh pasabog din si Francine Diaz kasama ang G-Force.

Mapapaindak kayo sa Irene Cara hits kantahan at sayawan nina Jason Dy, Shanaia Gomez, Vivoree, Karina Bautista, The Company, at ang buong ASAP family. Makikisali rin sa live Sunday party sina Robi Domingo pati ang Tara, G! stars na sina Anthony Jennings, Kaori Oinuma, Daniella Stranner, at JC Alcantara.

Damhin ang bigating concert vibes sa biritan nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kasama ang new-gen singers na sina Sheena, Elha Nympha, Lara Maigue, and Angela Ken, na susundan din ng dancefloor hatawan nina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Jeremy G, Joao Constancia, at Jin Macapagal.

Maaantig naman ang inyong mga puso sa inihandang musical number nina Erik Santos, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.

At ramdam na ramdam ang simoy ng Pasko sa Christmas hits tapatan nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Erik, Ogie, at Regine kasama sina Darren, Sheena, Elha, JM Yosures, Sam Mangubat, Lucas Garcia, Nina, at Klarisse de Guzman sa The Greatest Showdown.

Huwag palampasin ang bigating maagang pamasko ng longest-running musical variety show sa bansa, ASAP Natin ‘To.

Teaser ng upcoming primetime series ng Team Jolly, nagpakilig!

Napuno ng kilig ang Christmas season ng mga Kapuso matapos mapanood ang pasilip sa bagong primetime series na Luv Is: Caught In His Arms!

Ni-release ng GMA Network kahapon (Dec. 1) ang official teaser ng serye na pagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay o mas kilala bilang Team Jolly.

Kitang-kita sa teaser ang husay sa pag-arte ng young stars! Gaganap si Sofia bilang Florence, isang masayahing dalaga na puno ng mga pangarap. Habang masungit at mysterious naman ang character ni Allen bilang Nero.

Talagang much-awaited ang first collaboration project na ito ng Kapuso Network at Wattpad Webtoon Studios! Saad ng ilang fans sa Facebook, “Teaser pa lang ito pero grabe nakaka-excite na! Nakakabitin! Sana ilabas na rin ang trailer. Worth it ang paghihintay kasi napakaganda talaga!”

 Abangan ang Luv Is: Caught In His Arms this January 2023!

ASAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with