^

Pang Movies

TV host na palaos na, sobrang mag-inarte sa kanyang show!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Grabe raw mag-inarte ang isang masasabing veteran TV host.

Pinahihirapan daw talaga ang mga staff ng kanilang mga programa sa isang hindi pa gaanong sikat na network.

Parang siya na raw ang pinakasikat na TV host kung umarte sa kanilang show samantalang wala naman daw commercial.

Matagal na itong TV host pero lumamig ang pangalan dahil nawala ang programa sa mainstream.

Annabelle Rama, lusot sa Cyber Libel

Iniutos na ng korte ang petition of withdrawal ng cyber libel ni Jomer Jayke Joson laban kay Annabelle Rama.

Sa natanggap kong dokumento ay nakasaad na : “Before the Court is the Motion to Withdraw Information filed by the prosecution on November 25, 2022, stating that as per the Department of Justice Resolution on the Accused’ Petition for Review, this case was ordered withdrawn.

“Considering that venue is jurisdictional in a criminal case and the records do not show that the private complainant is a resident of Las Piñas City, or that Las Piñas City is where the post was printed or first published, this Court has no jurisdiction over these cases.

“WHEREFORE, premised on the foregoing, the Motion to Withdraw Information is GRAN­TED. The abovecited Informations are now WITHDRAWN from the docket of this Court.

“The Manifestation filed by the accused on December 1, 2022 is NOTED.

“The hearing of these cases on December 5, 2022 is cancelled,” ang buong nakasaad sa order ng korte.

Kinumpirma ito ni Atty. Marie Glen Abraham-Garduque, legal counsel ni tita Annabelle.

“Yes we confirm the receipt of the resolution from doj granting our petition for review thereby directing the office of the city prosecutor of las pinas to withdraw the information for cyber libel that it filed against tita annabelle in court. Of course we are very happy that the doj gave due course to our petition. As per last follow up with rtc branch 253, there is already a motion to withdraw information filed by the ocp of las pinas in court. We are just waiting for the action of the court in said motion. Yes i called tita annabelle as soon as the law office received the resolution. Ang naalala ko Lang na sinabi nya ay buti na lang daw she listened to my advice to follow and trust the legal proceedings.”

Si Jomer Jayke Joson ay dating manager ni former Senator Manny Pacquiao na kumandidato sa grupo ng isang partylist group pero hindi nanalo.

Andrea at Max, sasalang sa finale ng the wall ni Billy

Season finale na ng The Wall Philippines. At dalawa sa naggagandahang Kapuso artists na sina Andrea Torres at Max Collins ang sasalang sa pinakamatinding hamon ngayong Linggo, Dec. 4.

Ipinakita na ang teaser ng upcoming episode ng The Wall Philippines at makikitang abot-langit ang ngiti ng dalawang players kasama ang TV host na si Billy Crawford.

Makikita rin na gulat na gulat si Andrea Torres at napapasayaw sila ni Max Collins sa huling hulog ng bola.

Makatatanggap kaya sila ng maagang pamasko?

Abangan ang season finale ng The Wall Philippines ngayong Linggo (Dec. 4), 2:00 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ito via live streaming sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Darna, tuloy ang Aksyon sa bagong season!

Hatid ng bagong season ng Mars Ravelo’s Darna ang mas maaksyong bakbakan mula sa trending fight scenes ni Darna (Jane de Leon) kasama ang Martean warrior na si Luna (Kira Balinger) hanggang sa maiinit na harapan nila ni Valentina (Janella Salvador). Sa nakatakdang pagharap ni Darna sa mas matitindi pang laban, balikan ang ilan sa mga naging kalaban na sumubok sa pagiging “protektor” niya.

 Sa mga mata ng nakakarami, masama ang mga Extra subalit pinaniniwalaan ni Darna na pawang mga biktima rin sila na nangangailangan ng tulong. Totoo ito sa katauhan ni Javier (Dominic Ochoa) na sinubukang isiwalat ang korapsyon sa likod ng government facility na itinatayo gamit ang substan­dard na materyales. Matapos siyang ili­bing nang buhay ng kanyang mga kasamahan, bumangon siya sa hukay sa pamamagitan ng chrysalis at naging si Lindol Man na may kakayahang kontrolin ang lupa.

 Sa kabilang banda, may iilan din na piniling pumanig sa kasamaan katulad ni Silent Shocker (Boom Labrusca) na suportado ang pagpatay ni Valentina ng mga kriminal. Ginamit niya ang kanyang electrokinesis upang palabasin na si Darna ang may kagagawan ng iba’t ibang aksidente na nangyari sa Nueva Esperanza.

 Isa rin sa hindi malilimutan extras ang Ex-Triad group na binubuo nina Inno/Drag Mouth (Karl Gabriel), may kapangyarihan maglabas ng asido mula sa kanyang bibig; Klara/The Seductress (Jef Gaitan), may kakayahang kontrolin ang isip sa pamamagitan ng hipnotismo; at Miguel/Boy Chop-Chop (Henz Villariz) na kayang paghiwalayin ang mga braso mula sa kanyang katawan.

 Hindi rin nakaligtas sa pagiging extra si Brian Robles (Joshua Garcia) na nagkaroon ng clone na sumira sa kanyang imahe. Nabuhay si Dark Brian nang pumasok ang piraso ng chrysalis sa salamin na tinitingnan ni Brian. Ikinulong nito ang totoong Brian upang maisakatuparan ang masasamang balak gaya ng pagkidnap kay Regina.

 Sa patuloy niyang pagharap sa kanyang misyon, sinu-sino pa kaya ang mga makakatunggali ni Darna na susubok sa katatagan at lakas niya?

Napapanood ang Darna gabi-gabi 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5.

ANNABELLE RAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with